Wednesday, October 27, 2021

Understanding Trigonometry in Taglish: Lesson 11 - Trigonometric Functions In Everyday Life

 LESSON 11 – TRIGONOMETRIC FUNCTIONS IN EVERYDAY LIFE

Sa mga nakaraang aralin , natutunan natin ang tungkol sa special at reference angles. Gayunman, dahil hindi lahat ng mga anggulo ay mga espesyal na anggulo o lahat sila ay may mga reference angles o anggulong sanggunian na 30 , 45 , o 60 °, natutunan naman natin ang paggamit ng isang scientific calculator  upang hanapin ang numeric values ng anim na trigonometric functions – sine, cosine, tangent, cosecant, secant, at cotangent. Sa ngayon, handa na tayong gamitin ang lahat ng ating natutunan upang tugunan ang mga problema  sa pang-araw-araw na buhay na may kinalaman sa trigonometric functions.



PAG-ARALAN AT SURIIN NATIN


Interesado si Kevin na sukatin ang taas ng puno sa larawan sa itaas. Paano niya ito nalutas? Tingnan natin kung paano niya ito ginawa.

Una, sinukat niya ang taas mula sa lupa hanggang sa antas ng kanyang mata. Ito ay 5 ft..

Pagkatapos ay gumamit siya ng isang protractor upang sukatin ang anggulo sa pagitan ng pahalang sa kanyang linya ng paningin at sa tuktok ng puno.  Ito ay may sukat nga 40o.  

Pagkatapos  noon ay sinukat niya ang kanyang distansya mula sa puno. Ito ay 12 ft.

Matapos ito, ginawa niya ang mga sumusunod na pagkalkula:

        tan 40o    =  opposite side / adjacent side  
                =  opposite side  / distance from the tree
                  =  opposite side  /  12 ft.
        opposite side = tan 40o (12 ft.)
             = 0.8391 (12 ft.)
             = 10.0692 or 10.07 ft.

Samakatuwid, ang taas ng puno ay 10.07 ft. + 5 ft. = 15.07 ft.  o 15 feet.

Muli nating subukin na sumagot ng isa pang problema upang matasa ang ating nalalaman.


Si Jack ay nasa tuktok ng isang tore na may taas na 100 talampakan. Tumingin siya paibaba sa  kalsada at nakita niya ang kanyang kotse na naka-parada di kalayuan sa tore. Gaano kalayo ang kanyang kotse sa pinakaibaba ng tore?

Lutasin natin ang problema ng step by step:

STEP 1 Determine the relationship of the given side with the given angle.                             (Tukuyin ang kaugnayan ng ibinigay na panig sa ibinigay na anggulo.)

In the right triangle in the picture, the height of the tower (100 ft.) is the side opposite the 60° angle. (Sa nabuong right triangle sa larawan, ang taas ng tore [100 ft] ay ang gilid katapat (opposite side) ng anggulong 60 degrees.)

STEP 2 Determine the relationship of the unknown side with the given angle.                     (Tukuyin ang kaugnayan ng hinahanap na gilid sa ibinigay na anggulo.)

The unknown side is the side adjacent to the 60° angle.
(Ang hinahanap na gilid ay ang gilid kalapit (adjacent) ng anggulong 60 degrees.)

STEP 3 Determine the appropriate trigonometric function to be used. Here we                     are going to use the cotangent function.
        (Tukuyin ang naaangkop na trigonometric function na gagamitin. Dito                     ay gagamitin natin ang cotangent function.)

        cot 60° = adjacent side / opposite side

STEP 4 Substitute the given values and solve for the unknown. (Ihalili ang                             ibinigay na mga value at hanapin ang nawawalang gilid.)

        cot 60°  =  adjacent side /  100 ft
        adjacent side = cot 60° (100 ft)

(Gamit ang iyong scientific calculator, ating makukuha na ang numeric value ng cot 60o = 0.5774 [rounded-off to 4 decimal places]).

        adjacent side = 0.5774 (100 ft)
        adjacent side = 57.74 ft

Samakatuwid, ang kotse ni Jack ay 57.74 talampakan ang layo mula sa base ng tore.

Paano kung sa halip na cotangent ay tangent ang ating ginamit  na trigonometric function? Tingnan natin ang pagkalkula.

        tan 60° = opposite  side / adjacent side
        tan 60° =  100 ft /  adjacent side
        adjacent side (tan 60°) = 100 ft
        adjacent side = 100 ft / tan 60°

(Gamit ang iyong scientific calculator, ating makukuha na ang numeric value ng tan 60o = 1.73205080757.)

        adjacent side = 100 ft / 1.73205080757
        adjacent side = 57.74 ft (rounded-off to 2 decimal places)

Samakatuwid, kahit tangent ang ginamit sa pagkalkula, ang kotse ni Jack ay 57.74 talampakan pa rin ang layo mula sa base ng tore.

SUBUKIN NATIN ITO

Upang matasa pa ang ating natutunan, subukin nating sumagot ng isa pang problema. 


Suppose a man is standing on top of a 35 ft. building. He looks down to an open manhole and estimates that the angle from the horizontal down to the manhole is 63°. If the man is 5 ft. tall, how far is the manhole from the base of the building?

STEP 1 Determine the relationship of the given side with the given angle.

        In the right triangle represented in the picture above, the height of the                 building, 35 ft., is the side opposite the 63°angle.

STEP 2 Determine the relationship of the unknown side with the given angle.

        The unknown side is the side adjacent to the 63° angle.

STEP 3 Determine the appropriate trigonometric function to be used.
        tan 63° = opposite side / adjacent side

STEP 4  Substitute the given values and solve for the unknown.

        tan 63° = opposite side / adjacent side
        tan 63° = (height of building + height of man) / adjacent side
        tan 63° = (35 ft + 5 ft) / adjacent  side
        tan 63° = 40 ft / adjacent side
(Using a scientific calculator, the value of tan 63° = 1.9626)

        1.9626 =  40 ft / adjacent side
        adjacent  side ( 1.9626)  =  40 ft 
        adjacent side = 40 ft / 1.9626
        adjacent = 20.38 ft (rounded-off to 2 decimal places)

      Thus, the manhole is 20.38 feet from the base of the building.

SUBUKIN NATIN IYO

You can also solve problems involving trigonometric functions by using a shortcut method. (Masasagot din natin ang mga problemang kinapapalooban ng trigonometric functions sa pamamagitan ng shortcut method.)

A scuba diver makes an angle of 50° with the vertical when diving into an ocean. How far must he swim to be 100 meters below the water surface?


A right triangle is formed with the acute angle 50°. The distance from the water surface to the desired position of the diver (100 meters) is the side adjacent to 50°. We are asked for the length of the hypotenuse.

We will use the secant function. Recall that secant is the reciprocal/inverse of cosine. Cosine involves adjacent side and hypotenuse. Remember SohCahToa?

        sec 50° = hypotenuse / adjacent side
        sec 50° = distance the diver must swim / 100 m
        distance the diver must swim = sec 50o (100 m)

(Using a scientific calculator, sec 50° = 1.5557)

                distance the diver must swim = 1.5557 (100 m)

     Thus, the distance the diver must swim is 155.57 m  or 155.6 meters.

SUMMARY

A. We do the following steps in solving problems involving right triangles:

STEP 1 Determine the relationship of the given side with the given angle.
STEP 2 Determine the relationship of the unknown side with the given angle. 
STEP 3 Determine the appropriate trigonometric function to be used.
STEP 4 Substitute the given values and solve for the unknown.

B. Upang madaling matandaan ang kaugnayan ng isang ibinigay na angle sa hinahanap o ibinigay na gilid o side, tandaan ito: SohCahToa, kung saan ==>

S = sine o = opposite side
C = cosine = adjacent side
T = tangent h = hypotenuse

sine         opposite side / hypotenuse
cosine     adjacent side  / hypotenuse
tangent   opposite side / adjacent side

C. Tandaan ang reciprocal/inverse  o kabaliktaran ng sine, cosine, at tangent.

1. Ang kabaliktaran ng sine ay cosecant. Kung kaya,

    sine             opposite side / hypotenuse
    cosecant =     hypotenuse opposite side

2. Ang kabaliktaran ng cosine ay secant, Kung kaya,

    cosine     =     adjacent side  / hypotenuse
    secant     =     hypotenuse / adjacent side

3. Ang kabaliktaran ng tangent ay cotangent. Kung kaya,  

    tangent     =     opposite side / adjacent side
    cotangent =     adjacent side / opposite side

D. Pareho rin ang makukuhang sagot kung cosecant sa halip na sine, secant sa halip na cosine, o cotangent sa halip na tangent ang ginamit na trigonometric function hangga’t tama ang pagkaka-set up ng equation. Sa parteng ito, kakailanganin ninyo ang natutunan sa Algebra. Dapat ay alam mag-cross multiplication at pagta-transfer ng mga variables from left to right and vice versa.

E. Upang maiwasan ang pagkakamali sa pagpili ng trigonometric function base sa given at unknown side, gamitin ang nakasulat sa table:


Nais ipahiwatig ng nasa itaas na kung ang NUMERATOR ng function ang hinahanap, iyon ang gamiting trigionometric function. Halimbawa, kung ang given side ay isang hypotenuse at ang unknown ay adjacent side, cosine ang gagamitin pero kung ang unknown ay opposite side at ang given ay hypotenuse, sine ang gagamitin.

F. Kung hindi ma-visualize ang isang problema, iguhit muna ito at lagyan ng label upang matiyak na tama ang iyong pagkakaunawa sa problema.

G. Sa ngayon, ang araling ito ay nakapokus lamang sa right triangle.

H. Alamin ang rules sa rounding-off para hindi magkamali sa pinal na sagot  kung ito ang hinihingi ng problema. 

PAGSASANAY

Use trigonometric functions to solve the following problems.

1. A surveyor wants to find the height of a tree. He measures the angle between his line of sight and the top of the tree and finds it to be 47°. The man is 5 feet (ft.) tall and he is 10 meters (m) away from the tree. What is the height of the tree?

2. From a lighthouse 35 m above sea level, the angle from the horizontal to the ship is 25°. How far is the boat from the top of the lighthouse?


3. Mike wants to find the height of a tree. He measures the angle from the horizontal to the top of the tree and finds it to be 47°. He is 1 m tall and 10 meters away from the tree. What is the height of the tree?

4. A scuba diver makes an angle of 46° with the vertical when diving into an ocean. How deep is he in the water if he swims 110 m?

5. A ladder is leaning against a wall at an angle of 54° with the ground. If the top of the ladder is 2 m from the ground, how long is the ladder?

6. A family picture is hung on the wall. Jack noticed that the angle of the picture from the horizontal is 25°. He is 1 m tall. If he is 3 m away from the wall, how high is the picture?

7. Mark is flying a kite, lies down on the ground and realizes that 300 feet of string are out. The angle of the string with the ground is 42.5°. How high is Mark's kite above the ground?

8. A 20 foot ladder rests against a wall. The ladder makes a 55° angle with the ground. How far from the wall is the base of the ladder?

9. The mast  is 9 meters high and a wire is stretched tight to form a straight line to the top of the mast at an  angle of 60°. How long is the wire in meters? (Source: https://brilliant.org)

10. A kite is flying at a height of 65 m attached to a string that is fixed at the base of a tree. If the inclination of the string with the ground is 31°, how far is the kite from the tree?

ANSWERS

Sunday, October 24, 2021

Understanding Triginometry in Taglish: Lesson 10 - Using a Scientific Calculator /Sin, Cos, and Tan Keys

 LESSON 10 – USING A SCIENTIFIC CALCULATOR: SIN, COS AND TAN KEYS

Sa Lesson 8 at 9 , natutunan natin ang tungkol sa special at reference angles. Gayunman, hindi lahat ng mga anggulo ay mga espesyal na anggulo o lahat sila ay may mga reference angles o anggulong sanggunian na 30 °, 45 , o 60 °. Sa katunayan, karamihan sa mga anggulo  ay hindi espesyal. Samakatuwid, kinakailangang malaman kung paano makuha ang mga values ng mga trigonometric function ng mga anggulong ito gamit ang isang pang-agham o scientific  calculator.


Sa araling ito, ituturo sa iyo kung paano matukoy ang mga values ng mga trigonometric functions (sine, cosine, tangent, cosecant, secant, at cotagent) ng anumang naibigay na anggulo gamit ang iyong pang-agham na calculator. 


Ginagamit ang mga scientific calculators sa mga pagkalkula na kinasasangkutan ng mga trigonometric functions, pati na rin sa iba pang mga aplikasyon  sa istatistika at calculus.

PAG-ARALAN AT SURIIN NATIN


Ang larawan sa itaas ay isa lamang sa mga uri ng scientific calculator na mabibili sa merkado. Pansinin na taliwas sa ordinaryong calculator, ang mga pang-agham na calculator ay may karagdagang mga key. Ang mga ito  ay nagsasagawa ng maraming mga tungkulin na sinasaad ng

o
 depende sa gamit mong calculator. Ginagamit ang command o utos  na ito kapag may alternatibo o kahalili ang isang key function

Sa araling ito, bukod sa mga power at digit key, kakailanganin natin ang ilan sa mga karagdagang key na ito. Ito ay ang mga:

key sa ilang calculator.

Pagmasdan ang larawan sa ibaba.


Ayon sa larawan, ang anggulo na nagawa ng kotse sa tuktok ng gusali ay isang hindi espesyal na anggulo na sumusukat ng 37°. Paano natin malulutas ang value ng sin 37° gamit ang pang-agham na calculator?

Panahon na upang gamitin ang iyong scientific calculator. Tanungin ang iyong Instructional Manager o  guro na suriin kung tama ang iyong ginagawa.


SUBUKIN NATIN ITO

Upang matasa ang ating natutunan, subukin nating sumagot ng ilang problema hinggil sa paghanap ng value ng ilang trigonometric functions gamit ang iyong scientific calculator.


Handa ka na ngayon na sagutan ang pagsasanay sa ibaba.

PAGSASANAY A

Using your scientific calculator, find the value of the following trigonometric functions and round-off them to 4 decimal places:

1. sin 285°
2. sin 124°
3. cos 133°
4. tan 54°
5. tan 98°

PAG-ARALAN AT SURIIN NATIN

Muli nating pagmasdan ang larawan sa ibaba:




Sa nakaraan, hiniling sa atin na tukoyin ang value ng sine ng anggulo na nagawa ng kotse sa tuktok ng gusali. Nakakuha tayo ng sin 37° = 0.6018. Ano ang ibig sabihin ng value  na ito?

Mula sa  Lesson 7, natutunan natin na ang sine ng isang anggulo ay ang ratio ng gilid sa tapat  (opposite side) ng anggulong iyon sa hypotenuse  o

sin θ = opposite side/hypotenuse

Ito ay nangangahulugan na ang value ng sine sa sitwasyong ito ay ang ratio ng taas ng gusali (opposite side) sa distansya ng kotse mula sa tuktok ng gusali (hypotenuse).

Ngayon, ipagpalagay na nais nating makuha ang ratio ng distansya ng kotse mula sa tuktok ng gusali (hypotenuse) hanggang sa taas ng gusali (opposite side). Sa kasong ito, kakailanganin nating gamitin ang kabaligtaran o inverse ng sine function, na walang iba kundi ang cosecant.

csc θ hypotenuse/opposite side

Kaya ngayon, handa na tayong hanapin ang value na ito sa pamamagitan ng paggamit ng function csc 37°.

Ngunit tulad ng nakikita mo, walang mga key na ipinahiwatig para sa csc at iba pang mga kabaligtaran o inverse functions. Dito natin gagamitin ang 
 key.

Paano gumagana ang key na ito? Kung pipindot 
tayo ng isang value sa calculator ang resulta ay magiging 1 divided by ng value na ating pinindot. Subukin natin ang sumusunod at tingnan mismo ang mangyayari.

Pindutin ang mga ito: 


Dapat nating makuha ang 0.25 , na katumbas ng 1 divided by the given value 4.

Alalahanin na ang csc θ = 1/sin θ

Upang makuha ang value ng csc 37°, pipindutin muna ang value ng sin 37° at pagkatapos ay pindutin ang inverse key. 




SUMMARY

1. To determine the value of the sine, cosine or tangent function of any angle, press the following keys on the scientific calculator:

1st: the measurement of given angle
2nd: the given trigonometric function (sin, cos or tan)

2.  To determine the value of the cosecant, secant or cotangent function of any angle, press the following keys on the scientific calculator:

1st: the measurement of the given angle
2nd: the reciprocal of the given trigonometric function 
3rd: the key

3.  If 1/x or x–1 is placed above the key, first press


4.  Scientific calculators differ. In some models, you have to press first the trigonometric function key before you input the measurement of the angle. The answer can be obtained by pressing either


5.  It is advised that you read the manual of your calculator and be familiar with its functions. At any rate, the values of the trigonometric functions being asked should be the same regardless of the brand, model, or make of your scientific calculator.

MGA SAGOT

Wednesday, October 20, 2021

Understanding Trigonometry in Taglish: Lesson 9 = Reference Angles

 LESSON 9 – REFERENCE ANGLES

Sa Lesson 9, matutunan natin ang tungkol sa reference angles o mga sangguniang anggulo. Ipapakita sa iyo ng araling ito kung paano hanapin ang mga values ng anim na trigonometric functions (sine, cosine, tangent, cosecant, secant, at cotangent) ng iba pang mga anggulo na may mga sukat na multiples ng 30o, 45o, at 60o. Malalaman mo na ang kanilang mga values ay katulad din ng natutunan natin sa nakaraang aralin.



PAG-ARALAN AT SURIIN NATIN

Pagmasdan ang Figure 1 sa ibaba:


Look at the terminal side of A (Angle A). What is the acute angle formed by this terminal side with the horizontal axis?

If your answer is B, you are right. B is the acute angle formed by the terminal side of ∠A and the horizontal axis. B is called the reference angle of ∠A. 

Pagmasdan ang Figure 2 sa ibaba:

Figure 2
(Image from analyzemath.com)

        Ang mga given angles A sa itaas ay may kulay itim, samantalang kulay pula naman ang mga reference angles.

Mapupuna natin ang mga reference angles ay mga acute angles (anggulo na may sukat na mataas sa zero degrees pero mas mababa sa 90 degrees.) Ang reference angle ay nabuo ng terminal side (pinakadulong gilid) ng given angle at ng horizontal axis ( or x-axis).

TANDAAN ANG MGA SUMUSUNOD

1. Lahat ng reference angle r ay acute angles na may sukat na mas mataas sa zero degree pero mas mababa sa 90 degrees.

2. Sa  First Quadrant (0o < θ < 90o), ang reference angle r ng given angle θ ay ang mismong given angle θ.

Halimbawa, kung ang given angle θ = 30o, ang reference angle r nito ay ∠30o din.

3. Sa Second Quadrant (90o < θ < 180o), mahahanap ang reference angle r ng given angle θ sa pamamagitan ng pagkuha ng supplementary angle nito o paggamit ng formula nito: r = 180o - θ
Halimbawa, kung θ = 130o , its reference angle r is:
=  180o - θ ==> = 180o – 130o ==> r =50o.

3. Sa Third Quadrant (180o < θ < 270o), mahahanap ang reference angle r ng given angle θ sa pamamagitan ng formulang ito:  r = θ - 180o

Halimbawa, kung θ = 250o , its reference angle r is:
r =  θ - 180==>   = 250o – 180o ==> r =70o.

4. Sa Fourth Quadrant ( 270o < θ < 360o), mahahanap ang reference angle ng given angle θ sa pamamagitan ng formulang ito:  r = 360o - θ

Halimbawa, kung θ = 305o , its reference angle r is:
r =  360o - θ==> = 360o – 305o ==> r =55o.

SUBUKIN NATIN ITO

Upang matasa ang ating natutunan, subukin nating sumagot ng ilang problema hinggil sa paghanap ng reference angle r.

1. What is the reference angle of 120o?

STEP 1Determine in which interval the given angle belongs.

120o is between 90o and 180o. Kung gayon, ang 120o ay matatagpuan sa Second Quadrant o Quadrant II.

STEP 2Determine which formula for r will be used.

Dahil ang 120o ay nasa Second Quadrant, ang formula nating gagamitin ay 
r = 180o - θ

STEP 3Substitute the value of the given angle.

ɵ = 120o
r = 180o - θ
r = 180o – 120o
= 60o

Samakatuwid, ang reference angle r ng 120o ay ang special angle na 60o.


2. What is the reference angle of 330o?

STEP 1Determine in which interval the given angle belongs.

300o is between 270o and 360o. Kung gayon ang 300o ay matatagpuan sa Fourth Quadrant o Quadrant IV.

STEP 2Determine which formula for r will be used.

Dahil ang 330o ay nasa Fourth Quadrant, ang formula nating gagamitin ay 
r = 360o - θ

STEP 3: Substitute the value of the given angle.

ɵ = 330o
r = 360o - θ
r = 360o – 330o
r = 30o

Samakatuwid, ang reference angle r ng 330o ay ang special angle na 30o.

3. What is the reference angle of 240o?

STEP 1Determine in which interval the given angle belongs.

240o is between 180o and 270o. Kung gayon ang 240o ay matatagpuan sa Third Quadrant o Quadrant III.

STEP 2Determine which formula for r will be used.

Dahil ang 240o ay nasa Third Quadrant, ang formula nating gagamitin ay 
r = θ - 180o

STEP 3Substitute the value of the given angle.

θ = 240o
        r = θ - 180o
r = 240o – 180o
r = 60o

Samakatuwid, ang reference angle r ng 240o ay ang special angle na 60o.

MATUTO TAYO

A. The numeric value of the trigonometric function of a given angle is equal to the numeric value of the trigonometric function of its reference angle.

Ibig sabihin, kung ang reference angle r ng Ao  ay Bo at  ang sin Ao = x, ang sin Bo ay din.

When we say numeric value, it means that we also consider the sign (positive or negative) of the trigonometric function.

B. We note that a trigonometric function is positive or negative depending on the measure of the angle. In determining the sign of a numeric value, we observe the following rules:

    1. If the measure of θ is greater than 0° but less than 90°, all the six trigonometric functions (sin θ, cos θ, tan θ,  csc θ, sec θ , and cot θ)  are positive

Kung ang given angle θ ay nasa First Quadrant, lahat ng anim na trigonometric functions - sin θ, cos θ , tanθ,  csc θ, sec θ , at cot θ  - ay pawang  POSITIVE. 

    2. If the measure of θ is greater than 90° but less than 180°, sin θ and csc θ are positive. The other four functions are negative.

Kung ang given angle θ ay nasa Second Quadrant, ang sin θ  at ang kanyang reciprocal/inverse na csc θ ay POSITIVE; ang iba pang function ay NEGATIVE na.

    3. If the measure of θ is greater than 180° but less than 270°, tan θ and cot θ are positive. The other four functions are negative.

Kung ang given angle θ ay nasa Third Quadrant, ang tan θ at ang kanyang reciprocal / inverse na cot θ ay POSITIVE; ang iba pang function ay NEGATIVE na.

    4. If the measure of θ is greater than 270° but less than 360°, cos θ and sec θ are positive. The other four functions are negative.

Kung ang given angle θ ay nasa Fourth Quadrant, ang cos θ at ang kanyang reciprocal / inverse  na sec θ ay POSITIVE; ang iba pang function ay NEGATIVE na.

SUBUKIN NATIN ITO

Now let’s try to solve for the numeric values of the trigonometric functions of a given angle.

Problem 1Find the values of the six trigonometric functions of the angle 120°. 

We have previously learned that the reference angle of 120° is 60°.
Therefore, we will use the trigonometric function values of the special angle 60° that you learned in Lesson 8. Since 120° is in the Second Quadrant, only sine and its reciprocal/inverse cosecant are positive.

Thus, we have:

sin 120° = sin 60° = √3/2 
csc 120° = csc 60° = 2/√3  𝑜𝑟 2√3/3
cos 120° = –cos 60° = - 1/2
sec 120° = –sec 60° = - 2/1  or -2
tan 120° = –tan 60° = - √3/1  𝑜𝑟 −√3
cot 120° = –cot 60° =  - 1/√3 𝑜𝑟 −√3/3

Problem 2Find the values of the six trigonometric functions of the angle 225°

STEP 1: Determine the reference angle of the given angle.

225° is between 180° and 270° and in the Third Quadrant,  so we use the formula:
r = θ - 180° 
r = 225° - 180° 
r = 45°

Samakatuwid, ang reference angle ng 225o ay ang special angle na 45o.

STEP 2:  Determine the values of the trigonometric functions of the reference angle. 

Gagamitin natin ang anim na trigonometric functions ng 45° na nakuha natin sa Lesson 8.  

STEP 3:  Determine the signs of the values.

The given angle is 225° and in the Third Quadrant. Therefore, tangent and cotangent are the only positive functions. We thus have:

sin 225° = -sin 45° = - 1/√2 or - √2/2    
csc 225° = -csc 45° = - √2/1  𝑜𝑟 −√2
cos 225° = –cos 45° = - 1/√2  𝑜𝑟 −√2/2
sec 225° =  –sec 45° =  – √2/1  𝑜𝑟 −√2  
tan 225° = tan 45° = 1/1 or 1       
cot 225° = cot 45° 1/1 or 1

Problem 3Find the values of the six trigonometric functions of the angle 330°

STEP 1: Determine the reference angle of the given angle.

330° is between 270° and 360° and in the Fourth Quadrant,  so we use the formula:
r = 360o - θ 
r = 360° - 330° 
r = 30°

Samakatuwid, ang reference angle ng 330o ay ang special angle na 30o.

STEP 2:  Determine the values of the trigonometric functions of the reference angle. 

Gagamitin natin ang anim na trigonometric functions ng 30° na nakuha natin sa Lesson 8.  

STEP 3:  Determine the signs of the values.

The given angle is 330° and in the Fourth Quadrant. Therefore, cosine and secant are the only positive functions. We thus have:

sin 330° = -sin 30° = - 1/2 
csc 330° = -csc 30° = - 2/1  𝑜𝑟 −2
cos 330° = cos 30° = √3/2
sec 330° =  sec 30° =  2/√3  𝑜𝑟  (2√3)/3
tan 330° = -tan 30° = - 1/√3 or - √3/3    
cot 330° = -cot 30° = - √3/1 or - √3  

SUMMARY

Muling unawain at tandaan ang ating mga natutunan:

A. We use the following steps in computing for the reference angle r of a given angle θ:

STEP 1 Determine in which interval the given angle θ belongs or what quadrant                 it is located.

STEP 2 Determine which formula for r will be used.

STEP 3 Substitute the value of the given angle.

B. We use the corresponding formulas in computing for the reference angle according to the following rules.

    1. If the given angle θ is greater than 90° but less than 180° (90° < θ < 180°), the formula to be used is: 
r = 180°– θ .

    2. If the angle θ is greater than 180° but less than 270° (180° < θ < 270°), the formula to be used is: 
r = θ – 180°.

    3. If the given angle θ is greater than 270° but less than 360° (270° < θ < 360°), the formula to be used is: 
r = 360° – θ .

C. The numeric values of the trigonometric functions of a given angle is equal to the numeric values of the trigonometric functions of its reference angle.

In determining the signs of the numeric values of the trigonometric functions of a certain angle θ, we follow these rules:

    1. If the measure of θ is greater than 90° but less than 180°sin θ and csc θ are positive. The other four functions are negative. The given angle θ is in the Second Quadrant.

    2. If the measure of θ is greater than 180° but less than 270°tan θ and cot θ are positive. The other four functions are negative. The given angle θ is in the Third  Quadrant.

3. If the measure of θ is greater than 270° but less than 360°, cos θ and sec θ are positive. The other four functions are negative. The given angle θ is in the Fourth Quadrant.

4. Upang madaling matandaan kung ano - ano lamang ang POSITIVE SIGNS ng numeric values ng mga Trigonometric Functions, tandaan lamang ang phrase na ito: “All Stations TCentral” at ang drawing sa ibaba




PAGSASANAY

A. Find the reference angle of each of the following angles. 

1. 135°
2. 150°
3. 210°
4. 300°
5. 315°

B.    Determine the values of the following functions. 

1. sin 135°
2. cos 210°
3. tan 240°
4. sec 315°
5. csc 330°

MGA SAGOT SA PAGSASANAY

Monday, October 18, 2021

Understanding Trigonometry in Taglish: Lesson 8 - Special Angles

 NoteUpang maunawaan ang araling ito, dapat ay napag-aralan muna ang Lesson 1 to 7.

LESSON 8 – SPECIAL ANGLES

Sa Lesson 1- 7, nakilala mo ang mundo ng Trigonometry. Nalaman mo ang tungkol sa mga linya at anggulo at kanilang mga sukat gayundin ang tungkol sa mga complementary at supplementary angles. Nalaman mo rin ang mga uri ng anggulo ayon sa sukat ng kanyang mga gilid at sukat ng angle na nabuo ng mga gilid, at kung ano ang anim na trigonometric functions.




Sa modyul na ito, malalaman mo ang tungkol sa mga values ng mga trigonometric functions ng mga espesyal na anggulo (special angles). Mapapahalagahan mo rin ang kahalagahan ng mga espesyal na anggulong ito habang inilalapat sa mga pang-araw-araw na sitwasyon sa buhay.

Naglalaman ang modyul na ito ng apat na aralin:

Lesson 8 — Special Angles/ Mga Espesyal na Anggulo

Lesson 9 — Reference Angles/ Mga Sangguniang Anggulo

Lesson 10 — Using a Scientific Calculator: Sin, Cos and Tan Keys/ Paggamit ng isang Scientific Calculator: Sin, Cos at Tan Keys

Lesson 11— Trigonometric Functions in Everyday Life/ Mga Trigonometric Function sa Pang-araw-araw na Buhay

PAG-ARALAN AT SURIIN NATIN

Ang Figure 1 sa ibaba ay nagpapakita ng isang equilateral triangle. Ang isang equilateral triangle ay isang tatsulok na may pantay o pare-parehong sukat  ng mga gilid (sides). Ang bawat anggulo sa isang equilateral triangle ay may sukat na 60o  ( 60 degrees). Matatandaan na ang kabuuang sukat ng mga angles sa isang triangle ay 180 degrees (180o).


Kapag hinati natin ang tatsulok sa Figure 1 sa dalawa sa pamamagitan ng pag-bisect ng isa sa mga anggulo, makakakuha tayo ng dalawang right triangles tulad ng ipinakita sa Figure 2.


Kung susuriin ang Fig. 2, dalawang triangles ang nabuo — triangles A at B. Pareho silang 30o – 60o right triangles. Sa isang tatsulok ng ganitong uri, ang hypotenuse ang pinakamahaba at  palaging dalawang beses ang haba sa pinakamaikling gilid/side;  ang mas mahaba namang gilid ay √3 times ang haba sa pinakamaikling gilid.

Ang pinakamaikling bahagi ay nasa tapat ng 30o angle, habang ang mas mahabang bahagi o gilid ay nasa tapat ng 60o angle. Ang hypotenuse ay laging katapat ng 90o angle o ng right angle.

Ipagpalagay na ang haba ng hypotenuse ng mga triangles A at B ay 2 units, samakatuwid, batay sa mga katangian ng isang 30o – 60o  right triangle, ang mga triangles A at B ay may mga sumusunod na sukat:


Dahil parehong right triangles ang dalawang tatsulok,gagamitin natin ang Pythagorean Theorem upang suriin kung tama ang mga sukat sa itaas.

Matapos lapatan ng Theorem ng Pythagorean, mayroon tayong:

c2 = a2 + b2
22 = 12 + (√3)2
4 = 1 + 3
4 = 4

Samakatuwid, ang mga sukat ay tama.

DAPAT UNAWAIN AT TANDAAN

Sa pagsagot ng mga problema na kinasasangkutan ng 30o-60o special triangle, dapat alalahanin ang mga sumusunod na katangian nito:

1. Ang hypotenuse ang siyang pinakamahaba ang sukat sa tatlong mga gilid o sides. Ito ay dalawang beses ang haba sa pinakamaliit na gilid.  Ito ay katapat ng 90o angle.

2. Ang gilid na mas maliit  sa hypotenuse  o mas mahaba sa pinakamaikling gilid  ay may sukat na √3 (square root of three) times ng sukat ng pinakamaikling gilid o side. Ito ay katapat ng 60o angle.

3. Ang pinakamaikling  gilid ay katapat ng 30o angle.

Upang lubos pang maunawaan ang konsepto sa itaas, sagutin natin ang problemang ito:

The hypotenuse of a 30° – 60° right triangle has a length of 9 units. What is the length of the other two sides?

Steps in Solving this problem

Step 1Determine the given facts. 

length of hypotenuse = 9 units
Let’s call the hypotenuse as c; 
        c = 9 units

Step 2Determine what is asked for in the problem.

The lengths of the other two sides

Step 3Find the length of the shortest side.

We use the property of the 30°– 60° right triangle which states that the hypotenuse is always twice as long as the shortest side.

Let a = the shortest side
2a = c = the length of the hypotenuse 
Substituting the given length of the hypotenuse,
2a = 9
= 9/2

Step 4Find the length of the longer side.

We know that for a 30°– 60° right triangle that the longer side is √3 times as long as the shortest side. Designating b as the longer side, we have:

b  =  a (√3)   
      
Since a  =  9/2 (From Step 3),

b = 9/2 (√3) or 9/2 √3

Step 5Use the Pythagorean theorem to check the values obtained.

a = 9/2      b = 9/2 √3  c = 9

Pythagorean Theorem:

        c2 = a2 + b2

92 = (9/2)2 + [9/2 √3]2
81 = 81/4 + 81/4 (3)
81 = 81/4 + 243/4
81 = 324/4
81 = 81

Our answer is correct.

MATUTO TAYO

Alalahanin natin ang 30o-60o right triangle sa Figure 2.


Makikita sa larawan na ang hypotenuse ay may habang 2 units. The side opposite the 30o angle has a length of 1 unit while the side adjacent to the 30oangle has a length of √3 (square root of 3).

Ang ating nakuhang mga sukat ay:

hypotenuse                          c = 2
side opposite 30° angle           a = 1 
side adjacent to 30° angle      b = √3

Using the definitions of the trigonometric functions, we have the following values for ∠30o based on c = 2; a = 1; and b = √3:

sin 30o   = opposite sidehypotenuse =  a/c = 1/2
cos 30o   = adjacent side/ hypotenuse = b/c = √3/2
tan 30o  = opposite sideadjacent side = a/b = 1/√3 or √3/3

Note:   The denominator √3 is a radical and the fraction was simplified by multiplying both the numerator and the denominator by the radical (1/√3  x  √3/√3 = √3/√9 = √3/3)

csc 30o  = hypotenuseopposite side = c/a = 2/1 = 2
sec 30o = hypotenuseadjacent side = c/b = 2/√3 or 2√3/3
cot 30o = adjacent side / opposite side = b/a = √3/1 = √3

Gamit ang  30o-60o  right triangle sa Figure 2, kunin natin ang mga values ng six trigonometric functions para sa ∠60o.



Batay sa larawan, ang mga sukat para sa ∠60o ay:

hypotenuse                 c = 2
side opposite 60o            a = √3
side adjacent to 60o  b = 1

Using the definitions of the trigonometric functions, we have the following values for ∠60o  based on  
hypotenuse c = 2 opposite side a = √3   adjacent side b = 1:

sin 60o = opposite side/ hypotenuse =  a/c = √3/2
cos 60o  = adjacent side/ hypotenuse = b/c = 1/2
tan 60o= opposite side/ adjacent side = a/b =  √3/1 or √3

csc 60o= hypotenuse/ opposite side = c/a = 2/√3 or 2√3/3

Note:   The denominator √3 is a radical and the fraction was simplified by multiplying both the numerator and the denominator by the radical ( 2/√3  x  √3/√3 = 2√3/√9 = 2√3/3

sec 60o= hypotenuse/ adjacent side = c/b = 2/1 or  2
cot 60o= adjacent side / opposite side = b/a = 1/√3 or √3/3

PAG-ARALAN AT SURIIN NATIN

Ang isa pang uri ng tatsulok na espesyal  o special triangle ay ang 45o – 45o right triangle. Ang tatsulok na ito ay isang isosceles triangle  at sa gayon ay may dalawang gilid/side na may parehong haba. Kung hahayaan natin na ang mga gilid na magkapareho ay may sukat na 1 at kung ang c ay kumakatawan sa hypotenuse, ang tatsulok ay kinakatawan ng Figure 3 sa ibaba.

                                                            Figure 3

Gamit ang  Pythagorean theorem, makakalkula natin ang value ng  hypotenuse  c:

        c= ?    a = 1        b = 1

        c2 = a2 + b2

Let's substitute the values:
        c2 = 12 + 12
c2 = 2
c = √2  (square root of 2)

Narito ang sukat ng mga gilid ng 45o-45o right triangle:

hypotenuse  c = √2  opposite side a = 1    adjacent side b = 1

 Kung gayon, ang  45°– 45° right triangle ay mayroong mga values para sa six trigonometric functions:

sin 45o  = opposite/hypotenuse = a/c = 1/√2 or  √2/2

cos 45o = adjacent/hypotenuse = b/c = 1/√2 or √2/2

tan 45o = opposite/adjacent = a/b = 1/1 or 1

csc 45o = hypotenuse /opposite = c/a = √2/1 or √2

sec 45o = hypotenuse/adjacent = c/b = √2/1 or √2

cot 45o = adjacent/opposite = b/a = 1/1 or 1

SUMMARY

1. Ang unang special angle na ating napag-aralan ay ang 30o-60o right angle kung saan nakabuo tayo ng 30o-60o right angle . Ito ay nakuha natin nang i-bisect natin ang isang angle ng isang equilateral triangle (triangle na may pare-parehong haba o sukat ang mga gilid o sides). 

2. Isa pang special triangle ay ang  45o-45o right triangle. Ang tatsulok na ito ay isang isosceles triangle (triangle na may 2 gilid na magkapareho ang haba o sukat) 

3. Base sa mga triangles na ito, napag-alaman natin ang values ng 6 na trigonometric functions para sa∠30o, ∠45o, at ∠60o. Tunghayan  ang mga values ng mga ito sa isang table sa susunod na pahina.


PAGSASANAY

1. The length of the hypotenuse of a 30o-60o right triangle is 7 units. Find the length of the other two sides. 

2. The length of the shortest side of a 30o-60o right triangle is 5 units. What is the length of the other two sides?

MGA SAGOT SA PAGSASANAY

The length of the hypotenuse of a 30o-60o right triangle is 7 units. Find the length of the other two sides. 

Step 1: Determine the given facts.

length of hypotenuse   c = 7 units

Step 2: Determine what is asked for in the problem.

length of the other two sides 

Step 3: Find the length of the shortest side.

In a 30o-45o60o right triangle, the shortest side is one-half the length of the hypotenuse or the hypotenuse is twice the length of the shortest side.

Let a = shortest side
a = 1/2c
a = ½ (7) = 7/2    or 3.5 units

Step 4: Find the length of the longer side.

In a 30o-60o right triangle, the longer side is √3   times
as long as the shortest side. 

Let b = shorter side
b = a (√3)
b = 7/2 (√3)  or     7/2 √3  units

Step 5: Use the Pythagorean theorem to check the values obtained.

        c2 = a2 + b2
          
72 =  (7/2)2 + (7/2 √3)2
49 = 49/4    +  [49/4  (3)]
        49 = 49/4   +  147/4
49 = 196/4
49 = 49

2. The length of the shortest side of a 30o-60o right triangle is 5 units. What is the length of the other two sides?

Step 1: Determine the given facts.

length of shortest side   a = 5 units

Step 2: Determine what is asked for in the problem.

length of the other two sides 

Step 3: Find the length of the longest side.

In a 30o-60o right triangle, the shortest side is one-half the length of the hypotenuse or the hypotenuse is twice the length of the shortest side.

Let c = longest side
c = 2a
c = 2 (5) = 10 units

Step 4: Find the length of the longer side.

In a 30o-60o right triangle, the longer side is √3   times
as long as the shortest side. 

Let b = shorter side
b = a (√3)
b = 5(√3)  or     5√3 units

Step 5: Use the Pythagorean theorem to check the values obtained.

c2 = a2 + b2

102 =  52 + (5√3)2
        100 = 25  +  [25(3)]
        100 = 25  +  75
        100 = 100

NOTE: If you want to view the lesson on YouTube, please click the link below and subscribe: