Monday, November 7, 2011

Word Problem 1 - Profit

Bago natin masagot ang isang word problem sa Math, nararapat lamang na naiintindihan natin ang bawat salitang Ingles na nakapaloob sa tanong. Kung hindi, tiyak na mali ang ating sagot.








Juan is making lanterns  for Christmas. Each lantern costs P225 to make. If he sells the lanterns for P400 each, how many will he have to sell to make a profit of P7,000?


Filipino translation:


Si Juan ay gumawa ng parol para sa Pasko. Ang bawat parol ay may gastos na P225 para magawa. Kung ibebenta niya ang parol sa halagang P400 bawat isa, ilan ang dapat niyang maipagbili upang makatubo ng P7,000?

Ang pormula sa pagkuha ng profit ay:

Presyo - Gastos = Tubo

Sa ating problema,

Ang presyo ng parol = P400 bawat isa
Ang gastos ng parol = P225 bawat isa
Ang tubo ay 400 - 225 = P175 bawat isa

Upang makuha kung ilang parol ang dapat ibenta para makatubo ng P7,000 -
i-divide ang 7,000 sa 175 ==> 7,000 / 175 = 40 parol ang dapat na maipagbili