Thursday, June 29, 2017

CONVERSION: Fahrenheit to Celsius and Vice Versa

Nararapat na malaman ang pagko-convert mula Fahrenheit sa Censius (o Centigrade) upang malaman ang temperatura sa isang lugar kung ang isang nais makaalam ay hindi bihasa rito. Natural lamang na kung ang isang manlalakbay ay mula sa bansang gumagamit ng Celsius at nakapunta sa Amerika kung saan madalas ginagamit ang Fahrenheit, ang kaalaman sa pagpapalit ay sadyang mahalaga.



FAHRENHEIT temperature scale

Tulad nang nabanggit na, kalimitang ginagamit ang antas ng temperatura na Fahrenheit sa bansang Amerika. Ang iskalang (scale) ito ay ipinangalan sa isang pisisistang (physicist) Aleman na si Daniel Gabriel Fahrenheit.


Daniel Gabriel Fahrenheit

Conversion of Fahrenheit to Celsius

Sa pagpapalit ng temperatura mula Fahrenheit sa Celsius, narito ang tuntunin:

Bawasan lamang ng 32 ang temperatura sa Fahrenheit at i-multiply ang sagot sa 0.5556 o 5/9.

Mga Halimbawa

1.  55°F  ===>  (55 - 32)  x 0.5556 = 13°C  (rounded to whole number)

2.  35°F  ===>  (35 - 32)  x 0.5556 = 2°C  (rounded to whole number)

3.  105°F  ===>  (105 - 32)  x 0.5556 = 41°C  (rounded to whole number)

4.  79°F  ===>  (79 - 32)  x 0.5556 = 26°C  (rounded to whole number)

5.  32°F  ===>  (32 - 32)  x 0.5556 = 0°C  (freezing point of water)

CELSIUS Temperature Scale

Ang iskala ng temperaturang Celsius ay naunang tinawag na Centigrade. Ito ang kalimitang ginagamit sa halos buong mundo at ipinangalan sa isang astronomong Swedish na si Anders Celsius.


Anders Celsius

Conversion of Celsius to Fahrenheit

 Sa pagpapalit ng temperatura mula Celsius sa Fahrenheit, narito ang tuntunin:

I-multiply sa 1.80 ( 9/5) ang temperatura sa Celsius at dagdagan ng 32 ang produkto nito.

Mga Halimbawa
1.    25°C ===>  (25 x 1.80) + 32 = 45 + 32 = 77°F
2.    15°C ===>  (15 x 1.80) + 32 = 27 + 32 = 59°F
3.    40°C ===>  (40 x 1.80) + 32 = 72 + 32 = 104°F
4.      8°C ===>  (8 x 1.80) + 32 = 14.40 + 32 = 46°F (rounded-off)
5.      0°C ===>  (0 x 1.80) + 32 = 0 + 32 = 32°F

Tandaan lamang na sa pagpapalit mula sa isang iskala ng temperatura sa isa pa, huwag kalimutan ang mga numerong 32, 1.80 ( 0 9/5) at 0.5556 (o 5/9).