Saturday, March 6, 2021

How to Compute Compound Interest in Taglish

(Image from https://www.inc.com)

Compound interest is the interest you get on: (Ang compound interest o tambalang interes ay ang interes na makukuha mo sa:)

the money you initially deposited, called the principal (sa salaping ipinasok mo sa banko, na ang tawag ay principal/prinsipal/kapital/puhunan)

the interest you've already earned (sa interes na kinita mo na)

Ang pahayag sa itaas ay nauukol sa perang inilagak sa banko. Gayunman, ang padehong kahulugan ay nauukol din sa salaping inutang sa banko o sa kapital na inilaan sa isang investment/pamumuhunan sa isang stock o sapi.

Halimbawa, kung ikaw ay mayroong savings account, ikaw ay kikita ng interes sa iyong perang unang inilagak at kikita ka rin mula sa interes na iyong unang kinita. Ibig sabihin nito, mas malaki ang kikitain mo sa iyong inipon.

 Ito rin ang paliwanag kung ikaw naman ay umutang sa banko sa halip na nagdeposito. Ang unang tubo ng inyong inutang ay tutubo pa rin. Dahil dito, mas malaki ang iyong babayarang utang kaya dapat ay bayaran mo agad ang iyong inutang upang makatipid.

Ang tambalang interes ay kaiba sa simple interest (simpleng interest). Ang simpleng interes ay binabayaran lamang sa prinsipal sa hulihan ng panahon (arawan, buwanan, o taunan).

Paano kuhanin ang tambalang interes?

Gamitin ang pormula sa ibaba upang makuha ang tambalang interes:

A = P x (1 + r)^n

A = ending balance (balanse sa hulihan)

P = starting balance (or principal) (unang balanse o prinsipal)

r = interest rate per period as a decimal (for example, 5% becomes 0.05) (interes kada period sa pormang desimal  (halimbawa, ang 5% ay magiging 0.05)

n = the number of time periods (ang bilang ng period)

Halimbawa:

1. How much P5,000 will earn over three years at an interest rate of 8% per year, compounded monthly? (Magkano ang kikitain ng P5,000 sa loob ng tatlong taon sa interest na 8%, kung ito ay compounded kada buwan?)

Mga Hakbang:

1. Hatiin ang taunang interest na 8% sa 12 (dahil ito ay compounded monthly) at isulat ang nakuhang quotient sa desimal.

8%/12 = 0.08/12 = 0.00666 o 0.0067

2. Kalkulahin ang kabuuang bilang ng time periods (n) o kabuuang bilang ng buwan na kikita ka ng interes

3 taon times 12 buwan/taon =  3 x 12 = 36

3. Gamitin ang pormula ng tambalang interes

A = P x (1 + r)^n

P = 5,000

r = 0.0067

n = 36

A = 5,000 x (1 + 0.0067)^36

A = 5,000 x (1.0067)^36

A = 5,000 x 1.272

A = P6,360

Ang mga hakbang sa itaas ay ganoon din kung loan o utang ang kinakalkula sa halip na deposito.

Kung sa halip na monthly o buwanan na kikita ng interes ang isang savings account (o utang) at ito ay naging quarterly o kada 4 na buwan:

r = 8%/4 = 0.08/4 = 0.02 ( may 4 na quarters sa isang taon)

n = 4 quarters/year x 3 years = 12

Ang magiging balanse sa hulihan ng 3 taon ay:

A = P x (1 + r)^n

A = 5,000 x (1 + 0.02)^12

A = 5,000 x 1.268

A = 6,340

Maaari ring gamitin ang pormula sa ibaba na modipikasyon lamang ng nabanggit sa itaas:

A = P x (1 + r/n)^nt

Kung saan ang n = bilang kung ilan beses magkakaroon ng interest:

n = 12, kung kada buwan ang compound interest

n = 4, kung kada quarter (kada ikaapat na buwan) ang compound interest

t = ang bilang ng taon o maturity period o end of period na kikita ng interest

halimbawa: t = 3, for 3 year-period; t = 5, para sa 5 taon


Note: Ang mga naging sagot sa itaas ay maaaring magkaiba ng +/- P2, depende sa pagra-round ng desimal na ginamit.

(Hinalaw sa https://moneysmart.gov.au/saving/compound-interest)