Ang fraction ay BAHAGI or PARTE lang ng isang BUONG bagay. Dahil dito, masasabing ang praksyon ay hindi kailanman maaaring MAS MALAKI pa sa KABUUAN. Kung magkaganoon, ang hatimbilang ay MAS MALIIT sa ISA.
Tingnan ang larawan sa ibaba. Anong bahagi ng buong parisukat (square) ang kulay dilaw (yellow)?
Makikita natin na ang parisukat ay HINATI sa APAT (4) na bahagi. Makikita rin na ang kulay dilaw ay ISA (1) lamang sa APAT (1) na parte nito. Masasabing ang kulay dilaw ay ISA sa APAT. Ito ay isusulat na 1/4 , kung saan ang nasa ITAAS na bilang ay ang bahaging kulay dilaw at ang nasa IBABA na bilang ay nagsasaad kung ilang parte o bahagi ang ginawa sa isang buong parisukat.
Sa fraction o hatimbilang, ang numerong nasa ITAAS ay tinatawag na NUMERATOR. Tinatawag ding panakda, tagahati, pamhati, o numerador ang numerator. Ang nasa IBABA naman ng hatimbilang ay tinatawag na DENOMINATOR o denominador.
Sa pagpapatuloy, ano namang BAHAGI ang may kulay dilaw sa larawang nasa kanan?
Matutunghayan natin na ang may DALAWANG (2) parte ng parisukat ang may kulay dilaw. Ito ay isusulat bilang 2/4. Gayunpaman, kung susuriin mabuti ang larawan, ang 2/4 ay katumbas din ng 1/2 o kalahati. Ito ay sa kadahilanang kung i-didivide natin sa 2/2 ang 2/4, ang makukuha nating sagot ay 1/2. (Tunghayan sa susunod na leksyon kung paano mag-divide ng fraction).
Anong BAHAGI naman ng parisukat na nasa kaliwa ang kulay dilaw?
Makiktang may TATLONG (3) parte ng kabuuang parisukat ang may kulay dilaw. Dahil dito, ang hating-bilang ay isusulat na 3/4, kung saan ang 3 ay kumakatawan kung ilang bahagi ng parisukat ang kulay dilaw (Numerator) at ang 4 ay kumakatawan naman kung ilan lahat ang bahagi o parte ng parisukat (Denominator).
Anong bahagi ng parisukat na nasa kanan ang kulay dilaw?
Agad nating makikita na APAT (4) sa APAT (4) na parte ng parisukat ang may kulay dilaw. Ang praksyon ay isusulat na 4/4. Mapapansin din natin na ang BUONG parisukat ay may kulay dilaw. Dahil dito, masasabing ang 4/4 ay katumbas ng ISA (1). Dapat tandaan: kung PAREHO ang numero ng NUMERATOR at DENOMINATOR, ito ay katumbas ng 1.
Halimbawa:
12/12 = 1
345/345 = 1
7/7 = 1
Dahil sa nabanggit, masasabi nating ang numerong may parehong numerator at denominator ay HINDI maaaring tawaging fraction dahil na rin sa limitasyon ng kahulugan ng praksyon na ito ay bahagi lamang ng isang buo.