Monday, November 28, 2011

Basic Operations with Decimals

Ano ba ang tinatawag na decimals?

Ang mga bilang na tinatawag na decimals ay yaong mga numerong mas maliit sa isang buo. Ito ay mga bilang na nasa kanang bahagi ng decimal point o period o tuldok. Ang numerong decimals ay praksyon na may denominator na power of ten ( 10, 100, 1000, 10,000. etc)

Halimbawa ng mga decimals:

1) 0.003
2) 0.50
3) 0.123
4) 23.02
5) 1.52335

A. ADDITION ng DECIMAL NUMBERS


Madali lamang ang pag-a ADD ng mga decimal numbers. Tandaan lamang na pagtapat-tapatin ang decimal point ( o period) at pagkatapos ay maaari na itong pag-ADD -in.

Halimbawa: ADD
2.02 + 0.003 + 21.0021 + 4.125 =

  2.02
    .003
21.0021
 4.125
27.1501

B. SUBTRACTION ng DECIMAL NUMBERS


Tulad ng addition, dapat lamang na ipagtapat ang mga decimal point bago ibawas ang maliit na bilang sa mas malaking bilang.

Halimbawa: SUBTRACTION

205.0023 - 17.05

205.0023
    7.051
197.9513

C. MULTIPLICATION ng DECIMALS NUMBERS

Sa pagmumultiply ng mga decimals, tandaan lamang na bilangin ang mga puwesto ng mga bilang sa kanan ng decimal point o ang tinatawag na decimal places.

Halimbawa:
Ilang decimal places ang numerong  23.0012?  Mula sa decimal point, may apat na decimal places ang numerong ito.

Ilang decimal places ang numerong 9.023? Ito ay may tatlong decimal places.

MULTIPLY 23.0012 by 9.023.

1) Just do the standard multiplication procedure ==>   2075398276
Saan ilalagay ang decimal point?
I-ADD ang bilang ng decimal places ng 23.0012 ( 4 o apat) at bilang ng decimal places ng 9.023 ( 3 o tatlo)
Ang total ng bilang ng decimal places ng 2 numerong minultiply ay 4 + 3 = 7

Dahil 7 ang bilang ng decimal places, mula sa kanan, bumilang ng 7 pakaliwa at doon ilagay ang decimal point.

Kaya ang 2075398276 ay magiging 207.5398276

D. DIVISION ng DECIMALS


Halimbawa:
DIVIDE  23.05  by 4.1

1) Kung ang divisor (ang bilang na magdi-divide) ay hindi buong bilang (whole number), ilipat ang decimal point hanggang maging whole number ito.

Sa ating halimbawa, ang divisor ay 4.1
Dahil hindi ito whole number, ililipat natin ang decimal point hanggang maging whole number ito.

4.1 ==>  41

2) Ilipat din ang decimal point ng dividend na kaparehong bilang ng paglipat ng decimal point ng divisor.

Dahil isang decimal place lang natin inilipat ang decimal point ng 4.1, isang decimal place din natin ililipat ang decimal point ng dividend.

23.05 ==> 230.5

3) Mag-divide ng nakasanayan na.

230.5 divided by 41 = 5.62195122 ( ang haba ng decimal places ay base kung ilan ang hinihingi ng tanong)

4) Para makasiguro kung tama ang sagot, i-multiply ang quotient sa divisor. Kapag nakuha ang dividend, tama ang sagot.

5.62195122 x 41 = 230.5