May tatlong steps (hakbang) kung paano magdagdag ng praksyon:
1. Siguraduhing ang DENOMINATOR (numerong nasa ibaba) ay MAGKAPAREHO.
2. SUMAHIN (Add) ang mga NUMERATOR (numerong nasa itaas) at isulat/panatilihin ang magkaparehong denominator.
3. Gawing SIMPLE (Simplify) ang praksyon kung kinakailangan.
Halimbawa:
Dahil magkapareho ang mga denominator, maaari na nating sundin ang Step 2.
Maaari nating i-simplify ang fraction na 4/8. Ito ay katumbas ng 1/2.
Makukuha ang sagot na ito kung hahatiin (divide) natin ang 4/8 sa 4/4.
Tingnan ang larawan sa ibaba. Makikitang ang 4/8 ay kasinglaki/katumbas ng 1/2.
No comments:
Post a Comment