Showing posts with label Addition of Fraction in Filpino. Show all posts
Showing posts with label Addition of Fraction in Filpino. Show all posts

Tuesday, March 8, 2011

ADDITION OF FRACTION - PAGSUSUMA NG HATIMBILANG

Paano ang pagsusuma/pagdadagdag (Addition) ng praksyon o hatimbilang ?

May tatlong steps (hakbang) kung paano magdagdag ng praksyon:
1. Siguraduhing ang DENOMINATOR (numerong nasa ibaba) ay MAGKAPAREHO.
2. SUMAHIN (Add) ang mga NUMERATOR (numerong nasa itaas) at isulat/panatilihin ang magkaparehong denominator.
3. Gawing SIMPLE (Simplify) ang praksyon kung kinakailangan.
Halimbawa:




Dahil magkapareho ang mga denominator, maaari na nating sundin ang Step 2.


Sumahin ang mga numerator at isulat ang magkaparehong denominator.







Maaari nating i-simplify ang fraction na 4/8. Ito ay katumbas ng 1/2. 


Makukuha ang sagot na ito kung hahatiin (divide) natin ang 4/8 sa 4/4. 


Tingnan ang larawan sa ibaba. Makikitang ang 4/8 ay kasinglaki/katumbas ng 1/2.




 (Tunghayan sa mga susunod na aralin kung paanong mag-DIVIDE ng Fraction).


Paano magsuma ng hatimbilang kung hindi magkatulad ang denominator?