Saturday, March 6, 2021

How to Compute Compound Interest in Taglish

(Image from https://www.inc.com)

Compound interest is the interest you get on: (Ang compound interest o tambalang interes ay ang interes na makukuha mo sa:)

the money you initially deposited, called the principal (sa salaping ipinasok mo sa banko, na ang tawag ay principal/prinsipal/kapital/puhunan)

the interest you've already earned (sa interes na kinita mo na)

Ang pahayag sa itaas ay nauukol sa perang inilagak sa banko. Gayunman, ang padehong kahulugan ay nauukol din sa salaping inutang sa banko o sa kapital na inilaan sa isang investment/pamumuhunan sa isang stock o sapi.

Halimbawa, kung ikaw ay mayroong savings account, ikaw ay kikita ng interes sa iyong perang unang inilagak at kikita ka rin mula sa interes na iyong unang kinita. Ibig sabihin nito, mas malaki ang kikitain mo sa iyong inipon.

 Ito rin ang paliwanag kung ikaw naman ay umutang sa banko sa halip na nagdeposito. Ang unang tubo ng inyong inutang ay tutubo pa rin. Dahil dito, mas malaki ang iyong babayarang utang kaya dapat ay bayaran mo agad ang iyong inutang upang makatipid.

Ang tambalang interes ay kaiba sa simple interest (simpleng interest). Ang simpleng interes ay binabayaran lamang sa prinsipal sa hulihan ng panahon (arawan, buwanan, o taunan).

Paano kuhanin ang tambalang interes?

Gamitin ang pormula sa ibaba upang makuha ang tambalang interes:

A = P x (1 + r)^n

A = ending balance (balanse sa hulihan)

P = starting balance (or principal) (unang balanse o prinsipal)

r = interest rate per period as a decimal (for example, 5% becomes 0.05) (interes kada period sa pormang desimal  (halimbawa, ang 5% ay magiging 0.05)

n = the number of time periods (ang bilang ng period)

Halimbawa:

1. How much P5,000 will earn over three years at an interest rate of 8% per year, compounded monthly? (Magkano ang kikitain ng P5,000 sa loob ng tatlong taon sa interest na 8%, kung ito ay compounded kada buwan?)

Mga Hakbang:

1. Hatiin ang taunang interest na 8% sa 12 (dahil ito ay compounded monthly) at isulat ang nakuhang quotient sa desimal.

8%/12 = 0.08/12 = 0.00666 o 0.0067

2. Kalkulahin ang kabuuang bilang ng time periods (n) o kabuuang bilang ng buwan na kikita ka ng interes

3 taon times 12 buwan/taon =  3 x 12 = 36

3. Gamitin ang pormula ng tambalang interes

A = P x (1 + r)^n

P = 5,000

r = 0.0067

n = 36

A = 5,000 x (1 + 0.0067)^36

A = 5,000 x (1.0067)^36

A = 5,000 x 1.272

A = P6,360

Ang mga hakbang sa itaas ay ganoon din kung loan o utang ang kinakalkula sa halip na deposito.

Kung sa halip na monthly o buwanan na kikita ng interes ang isang savings account (o utang) at ito ay naging quarterly o kada 4 na buwan:

r = 8%/4 = 0.08/4 = 0.02 ( may 4 na quarters sa isang taon)

n = 4 quarters/year x 3 years = 12

Ang magiging balanse sa hulihan ng 3 taon ay:

A = P x (1 + r)^n

A = 5,000 x (1 + 0.02)^12

A = 5,000 x 1.268

A = 6,340

Maaari ring gamitin ang pormula sa ibaba na modipikasyon lamang ng nabanggit sa itaas:

A = P x (1 + r/n)^nt

Kung saan ang n = bilang kung ilan beses magkakaroon ng interest:

n = 12, kung kada buwan ang compound interest

n = 4, kung kada quarter (kada ikaapat na buwan) ang compound interest

t = ang bilang ng taon o maturity period o end of period na kikita ng interest

halimbawa: t = 3, for 3 year-period; t = 5, para sa 5 taon


Note: Ang mga naging sagot sa itaas ay maaaring magkaiba ng +/- P2, depende sa pagra-round ng desimal na ginamit.

(Hinalaw sa https://moneysmart.gov.au/saving/compound-interest)


Wednesday, March 3, 2021

Understanding PROBABILITY in Taglish

Sa umpisa, maraming mag-aaral ang nahihirapan sa paglutas ng mga Math Problem na kinapapalooban ng Probability o Probabilidad o Posibilidad o Tsansa

Bago natin ipagpatuloy ang aralin, alamin muna natin kung ano ang probability.

Ano nga ba ang probability?

Ang posibilidad/probabilidad/tsansa ay isang sukat ng dami  na maaaring maganap ang isang naibigay na kaganapan. Kung ang posibilidad ng isang kaganapan na nangyayari ay sigurado, ito ay bibigyan ng halagang isa  (1). Kung walang posibilidad na mangyari ang isang pangyayari, ang posibilidad ay tatalagahan ng 0 (zero). Ang lahat ng iba pang mga posibilidad ay nasa pagitan ng 0 at 1.

Halimbawa:

A. Isa (1) o 100% Probability (Tiyak na pangyayari)

    1. Kung ngayon ay Linggo, bukas ay Lunes.

    2. Ang susunod sa bilang na 23 ay 24.

 B. Zero (0) Probability (Hindi kailanman mangyayari)

    1. Makakuha ng diploma kung hindi ka naka-enroll.

    2. Manganak na aso ang isang baboy

C. Pagitan ng 0 at 1 Probability (Maaaring mangyari o maganap)

    1. Maghagis ng barya at ang nakatihaya ay "tao" = 50% Probability

    2. Makahugot ng Queen of Heart mula sa isang deck ng baraha = 1/52 o 1.92%

Simple Rules of Probability

Rule # 1: Determining Probability

The probability of any outcome is the ratio of the total number of outcomes corresponding to the event, to the total number of outcomes. (Ang posibilidad ng anumang kinalabasan ay ang ratio ng kabuuang bilang ng mga kinalabasan na naaayon sa kaganapan, sa kabuuang bilang ng mga kinalabasan.)

Specific event / Total number of possible events

Tiyak na kaganapan / Kabuuang bilang ng mga posibleng kaganapan

Halimbawa:

1. What is the probability or likelihood of getting heads in a coin flip. (Ano ang tsansa na "tao" ang nakalitaw kapag naghagis ka ng isang barya?

The specific event (tiyak na kaganapan) ay "tao" ang nakalitaw.
Ang total number of possible events (kabuuang bilang ng mga posibleng kaganapan) ay dalawa ==> "tao" ang nakalitaw at "kalabaw" ang nakalitaw. Dalawa ang total na kaganapan dahil 2 lamang ang mukha ng isang barya.  

The Ratio would look like this:
Getting Heads  (Tao)
Heads or tails  (Tao o Kalabaw)
or
1 specific outcome      1
2 possible outcomes    2

Or one half or 50%. There is equal chance of a getting heads or tails on a coin flip, so the probability of getting heads is one half or 50%.

(Mayroong parehong tsansa na nakalitaw ang "tao" o "kalabaw" kapag naghagis ka ng isang barya o 50% probability.)

Rule # 2: Law of Unions

When we want to know the probability of the occurrence of one of two events.
(Kapag nais nating malaman ang posibilidad ng paglitaw ng isa sa dalawang mga kaganapan.)

The probability that at least one of two events will occur is the sum of the probabilities of the two events, minus the probability that both events will occur.
(Ang posibilidad na hindi bababa sa isa sa dalawang mga kaganapan ang magaganap ay ang kabuuan ng mga posibilidad ng dalawang mga kaganapan, na binawas ang posibilidad na maganap ang parehong mga kaganapan.)

Sum of the Probability of two events occurring - Probability both events will occur

Kabuuan ng mga posibilidad ng dalawang mga kaganapan -  Ang posibilidad na maganap ang parehong mga kaganapan


Example: Get an Ace or a Heart from a deck of 52 cards. (Makabunot ng Alas o Puso mula sa isang deck ng baraha.)

Kabuuang Bilang ng mga baraha sa isang deck = 52  ( 4 x 13)
Bilang ng Alas = 4 baraha
Bilang ng Puso = 13 baraha
Baraha na Parehong Alas at Puso (Ace of Hearts) = 1

Ang Probabilidad na makabunot ng alas o puso ay:

(4/52 + 13/52) - (1/52) or 17/52 - 1/52 = 16/52 


Rule # 3: Determining probability for Independent Events

When events are independent in space and time, there is a means to determine the probability of the events occurring. (Kapag ang mga kaganapan ay malaya sa espasyo at oras, mayroong isang paraan upang matukoy ang posibilidad ng mga pangyayaring magaganap.)

For independent events, the probability of joint occurrences is equal to the product of the probabilities of the separate events. so, you can multiply their probabilities together and you will get the probability that both events will occur. (Para sa mga independiyenteng kaganapan, ang posibilidad na pareho silang mangyari ay katumbas ng produkto ng mga posibilidad ng magkakahiwalay na mga kaganapan. Kaya, maaari mong i-multiply ang kanilang mga posibilidad na magkasama at makakakuha ka ng posibilidad na maganap ang parehong mga kaganapan.)

Probability of event one x (multiply by) Probability of event two.

Posibilidad ng unang kaganapan x Posibilidad ng ikalawang kaganapan


Example:  Get a Tail on the flip of a coin and roll a 5 on a 6 sided die.
(Makakuha ng "Kalabaw" kapag naghagis ng barya at 5 tuldok ang nasa ibabaw ng isang dice kapag ito ay pinagulong.)

Probabilidad na "Kalabaw" ang nakatihaya = 1/2
Probabilidad na 5 ang nasa ibabaw ng dice = 1/6
Posibilidad na paehong silang magaganap =  1/2 x 1/6 = 1/12 or 0.083 or 8.3%


Rule # 4: Determining Probability for Dependent Events

For dependent events, the probability of joint occurrence is equal to the product of the probability of the first event and the probability of the second event given that the first event has occurred. (Para sa mga kaganapang magkaagabay o nakadepende sa bawa't isa, ang posibilidad ng magkakasamang pagganap ay katumbas ng produkto ng posibilidad ng unang kaganapan at ang posibilidad ng pangalawang kaganapan, ipagpalagay na ang unang kaganapan ay naganap.)


Example:  There are 12 balls in a bag, 8 red and 4 blue. What is the chance I will pick two red balls out of the bag without seeing them? (Mayroong 12 bola sa isang supot, 8 ang pula ang kulay at 4 ang asul. Ano ang tsansa na makabubunot ako ng dalawang pulang bola mula sa supot nang hindi ko sila sinisilip?)

Posibilidad na pula ang bola sa unang hugot = 8/12
Posibilidad na pula rin ang bola sa ikalawang hugot = 7/11 

Kaya, ang tsansa kong mabunot na parehong pulang bola ang 2 bola na aking hinugot ay  8/12 x 7/11 = 56/132  or 14/33 or 0.424 or 42.4%

This is called Sampling Without Replacement.

If we sample with replacement (kapag ibinalik muli sa supot ang unang bolang hinugot) , then the probability would be 8/12 times 8/12 = 64/144 or 8/18 or 4/9 or 0.444 or 44.4%


(Source at pinagbasehan: http://getpowers.com/probability/) Note: If you want this post remove, please email me.