Tuesday, September 28, 2021

Understanding Trigonometry in Taglish: Lesson 4 - SOLVING REAL-LIFE PROBLEMS USING THE PYTHAGOREAN THEOREM

 LESSON 4 – SOLVING REAL-LIFE PROBLEMS USING THE PYTHAGOREAN THEOREM

Matapos nating mapag-aralan ang mga uri ng linya, salikop o anggulo, complementary at supplementary angle gayundin ang katuturan ng Pythagorean Theorem, sa leksyon 4 ay susubukin naman nating mabigyang solusyon ang mga halimbawa ng mga problema sa tunay na buhay gamit ang bisa ng Pythagorean Theorem ni Pythagoras.




Dapat lamang nating tandaan na ang Pythagorean Theorem ay ginagamit lamang kung may mabubuo tayong right angle o right triangle.

STEPS in solving problems involving RIGHT TRIANGLES:

Nasa ibaba ang mga hakbang upang masolusyonan ang isang Math problem na kinassangkutan ng Right Triangle:


STEP 1 Identify the hypotenuse and the legs of the triangle. (Tukuyin ang hypotenuse at mga legs ng triangle.)

STEP 2 Use the formula derived from the Pythagorean theorem. (Gamitin ang formula ng Pythagorean theorem: c2 = a2 + b2)

STEP 3 Substitute the given values to the variables in the formula and solve for the unknown. (Ilagay ang mga values na ibinigay sa problema at hanapin ang unknown.)

STEP 4 Simplify to get the final answer. (Gawing simple ang sagot)



[Problem 1 to 4 from ALS Junior High School Module Trigonometric Functions 1]

Problem 1

Jake was performing his favorite billiard trick shot. He hit the cue ball and it went to one corner of the table, rolled to the other corner, hit the exact center of the back cushion and hit the eighth ball causing it to drop into one of the holes before returning to its original position. If the dimensions of the table are 6 ft. by 8 ft., how far did the cue ball travel?



Problem 2

Alice, a landscape architect, designed a flowerbed for a very important client. The flowerbed will take the shape of a right triangle with legs equal to 12 ft. and 9 ft. She wants to place some decorative stones along the hypotenuse of the flowerbed 1 ft. apart. How many stones does she need?




Problem 3

Two cars start traveling perpendicularly away from each other from the same place. If one travels 6 km and the other 8 km, how far apart will they be from each other using their bumpers as points of reference? 





Problem 4

A pendulum travelled 30 cm away from a center line. The center line is 40 cm long. What is the distance between the pendulum and one end of the center line?



Problem 5

A ladder 13 m long is placed on the ground in such a way that it touches the top of a vertical wall 12 m high. Find the distance of the foot of the ladder from the bottom of the wall. 
(Source: https://www.math-only-math.com)




TANDAAN

1. Magagamit lamang ang Pythagorean Theorem sa  mga right angles o right triangles.

2. Hindi lang sukat ng hypotenuse ang mahahanap sa Pythagorean Theorem kundi maging ang iba pang sukat/haba ng mga sides/legs (opposite and adjacent sides) kung ang 2 sukat ay ibinigay.

3. Mag-drawing kung hindi ma-imagine ang larawang isinasaad ng problem.

4. Tandaan ang square root ng ilang bilang tulad ng:

1 = square root ng 1 dahil 1 x 1 or 12 = 1
2 = square root ng 4 dahil 2 x 2 or 22 = 4
3 = square root ng 9 dahil 3 x 3 or 32 = 9
4 = square root ng 16 dahil 4 x 4 or 42 = 16
5 = square root ng 25 dahil 5 x 5 or 52 = 25
6 = square root ng 36 dahil 6 x 6 or 62 = 36
        7 = square root ng 49 dahil 7 x 7 or 72 = 49
8 = square root ng 64 dahil 8 x 8 or 82 = 64
9 = square root ng 81 dahil 9 x 9 or 92 = 81
10 = square root ng 100 dahil 10 x 10 or 102 = 100
11 = square root ng 121 dahil 11 x 11 or 112 = 121
12 = square root ng 144 dahil 12 x 12 or 122 = 144
13 = square root ng 169 dahil 13 x 13 or 132 = 169
14 = square root ng 196 dahil 14 x 14 or 142 = 196
15 = square root ng 225 dahil 15 x 15 or 152 = 225

Alalahanin na ang 
A = square root ng Y dahil A x A (A times A) or A2 = Y

A square root of a number (Y) is one of the factors (A)  of Y such that when you multiply it TWO (2) times (A x Aor you square it (A2), you will get that number Y.

Friday, September 24, 2021

Understanding Trigonometry in Taglish: Lesson 3 - Pythagorean Theorem

LESSON 3 – PYTHAGOREAN THEOREM

Sa unang dalawang leksyon ay napag-aralan natin ang tungkol sa mga uri ng linya at mga uri ng anggulo o salikop. Ngayon naman, nakatakda nating alamin ang Pythagorean Theorem at paano ito makatutulong upang lalo pa nating maunawaan ang Trigonometry.


Bago ito, alamin muna natin kung ano ang sinasabing complementary at supplementary angles.

Complementary angles = ang dalawang anggulo ay complementary kung ang suma o total ng kanilang mga angles ay 90 degrees (90o).

Ibig sabihin, ∠A  +  ∠B = 90o

If ∠XYZ  = 36o     and  ∠ 345 = 54o, then we can say that ∠XYZ is a complement of ∠345  (and vice versa) because their sum is 90o.  We can also say that because the sum of their angles is 90o, ∠XYZ and ∠345 are complementary angles.

Supplementary angles = ang dalawang anggulo ay supplementary kung ang suma o total ng kanilang mga angles ay 180 degrees (180o).

Ibig sabihin, ∠V  +  ∠W = 180o

If ∠DEF  = 45o     and  ∠ 123 = 135o, then we can say that ∠DEF is a supplement of ∠123  (and vice versa) because their sum is 180o.  We can also say that because the sum of their angles is 180o, ∠DEF and ∠123 are supplementary angles.

Base sa kanilang depinisyon, ang angle na mabubuo ng dalawang complementary angles ay right angle (dahil ang sukat nito ay 90 degrees).  Straight angle naman ang mabubuo ng dalawang supplementary angles (dahil ang sukat nito ay 180 degrees).





PAGSASANAY

1. Give the complement of  ∠ABC if its measure is 37o.

A. 153o
B. 143o
C. 53o
D. 43o

2. If two angles are right angles, then they are ___.

A. complementary
B. supplementary
C. straight angles
D. obtuse angles 

3. Tukuyin ang mga complementary angles sa larawan:

        A. ∠AXB at ∠BXD
B. ∠BXC at ∠CXD
C. ∠AXC at ∠CXD
D. ∠AXB at ∠BXC

4. Ano ang supplementary angle ng ∠AXB sa larawan?


        A. ∠BXC only
B. ∠AXD only
C. Both ∠BXC at ∠AXD
D. ∠DXC

5. If ∠PUJ is 25o, then the measure of its supplement is ________?

        A. 20o
B. 65o
C. 155o
D. 335o


Ang aralin sa Pythagorean Theorem ay mahalaga sapagkat ito ay magtuturo sa iyo kung paano malutas ang mga problema sa totoong buhay na may kinalaman sa mga anggulo. Ngunit kailangan mo munang magkaroon ng kaalaman tungkol sa square root ng isang numero upang maunawaan nang mabuti ang araling ito.

Ano ang SQUARE ROOT?

Sa Matematika, ang square root ay isang factor ng isang numero na, kapag minultiply sa kanyang  sarili, ay nagbibigay ng orihinal na numero. 

Halimbawa, ang 3 at –3 ay parehong factor ng 9. Kapag minultiply ang 3 sa kanyang sarili, 3 x 3 o 32, makukuha ang 9 dahil 3 x 3 = 9 o 32 = 9.  Gayundin, kapag minultiply ang -3 sa kanyang sarili, (-3) x  (-3)  o (-32), makukuha ang 9 dahil (-3) x (-3) = 9 o (-32) = 9. Kung ganoon, masasabi na ang square root ng 9 ay 3 at (-3) [negative 9].

Sa iba pang paliwanag, ang square root ng isang bilang na kinakatawan ng x ay isang bilang na kinakatawan ng y tulad ng y² = x; sa madaling salita, ang bilang y ay ang square root ng  x. Halimbawa, ang 5 at −5 ay square root ng 25, dahil 5² =(-5²)= 25.

Paano makukuha ang square root ng isang numero?

Isang paraan upang makuha ang square root ng isang bilang ay isipin lamang ang mga factors ng bilang na iyon. Kapag minultiply mo ng 2 beses ang factor na iyong napili at lumabas ang bilang na iyon, ang factor na iyong napili ay ang square root ng bilang na iyon.

Halimbawa:

Ano ang square root ng 64?

Step 1: Isulat ang mga factors ng 64.

Ano ang factors ng isang bilang?

Ang mga ito ay ang mga numero na kapag minultiply mo ay makukuha mo ang bilang na binanggit. 

Ano –ano ang factors ng 64?

Ang mga factors ng 64 ay 1, 2, 4, 8, 16, 32, at 64 dahil:

1 x 64 = 64 2 x 32 = 64
4 x 16 = 64 8 x 8 = 64

        Step 2: Piliin ang numero na inulit ng 2 beses para makuha ang 64.

Sa mga numerong nasa itaas, mapapansin na ang square root ng 64 ay 8 dahil 82 =64. Gayunman, malalaman din natin sa susunod na mga lesson na 2 ang square root ng isang bilang, isang positive at isang negative. Kaya, square root din ng 64 ang -8 (negative 8) dahil (-82) = 64.

Matapos nating malaman kung ano ang square root ng isang bilang at kung paano ito makukuha, handa na tayong pag-aralan ang Pythagorean Theorem. Pero bago ito, kilalanin muna natin si Pythagoras na siyang pinagmulan ng teoryang ito.

Sino si Pythagoras?

Si Pythagoras ng Samos (c. 570 - c. 495 BC) ay isang sinaunang pilosopong Greek na Ionian at ang eponymous na nagtatag ng Pythagoreanism. Ang kanyang mga katuruang pampulitika at pangrelihiyon ay kilalang kilala sa Magna Graecia at naiimpluwensyahan ang mga pilosopiya ni Plato, Aristotle, at, sa pamamagitan nila, pilosopiya sa Kanluranin. Ang kaalaman sa kanyang buhay ay nalilimutan ng alamat, ngunit lumilitaw na siya ay anak ni Mnesarchus, isang mang-uukit ng mutya sa isla ng Samos. (Wikipedia)



Ano ang Pythagorean Theorem o Pythagoras’ Theorem ?

Sa Matematika, ang teorya ng Pythagorean, o teorya ng Pythagoras, ay isang pangunahing kaugnayan sa Euclidean Geometry sa mga tatlong panig/gilid ng isang right triangle. Nakasaad dito na ang area ng parisukat na ang panig ay ang hypotenuse (ang gilid sa tapat ng right angle) ay katumbas ng kabuuan ng mga area ng mga parisukat sa iba pang dalawang panig. Ang teoryang ito ay maaaring nakasulat bilang isang equation na nauugnay sa haba ng mga gilid ng a, b at c, na madalas na tinatawag na Pythagorean equation:

a2 + b2 = c2 

kung saan kumakatawan sa c ang haba ng hypotenuse at a at b ang haba ng iba pang dalawang panig/gilid ng tatsulok.


Upang maunawaan natin nang lubusan ang kahalagahan ng Pythagorean Theorem, magbigay tayo ng halimbawa sa tunay na buhay.

Masdan natin ang larawan sa ibaba:




Anong anggulo ang nabuo ng hagdan at ng lupa?

Kung ang sagot mo ay right angle, tama ka.

Ano ang distansya mula sa lupa hanggang sa tuktok ng slide (o haba ng hagdan)? 

Kung ang sagot mo ay 3 units, magaling!

Gaano kalayo ang ibabang bahagi ng hagdan hanggang sa ibabang bahagi ng slide?

Tama ka kung 4 units ang iyong sagot.

Ngunit paano natin makalkula ang haba ng slide? Magagawa natin ito sa pamamagitan ng paggamit ng Pythagorean theorem base sa ibinigay na haba ng hagdan at ang distansya mula sa ibabang dulo ng slide hanggang sa ibabang dulo ng hagdan.

Sa ating aktibidad, ang hagdan at ang lupa ay bumuo ng isang right angle. Kaya, isang right triangle ay nabuo kasama ang slide.

Ang  right triangle ay tatsulok na may right angle. Ang gilid na katapat ng right angle ay tinatawag na hypotenuse. Ang dalawang gilid naman ay tinatawag na legs.

Mapapansin sa larawan na ang pinakamahabang side o gilid ay ang hypotenuse.


Ang dalawang legs ay maaaring tawaging adjacent at opposite side depende kung anong anggulo ang pinagbabatayan. Ang opposite side ay katapat ng anggulong batayan. Adjacent side naman ang tawag sa gilid ng angle na binabanggit.

Tulad nang nabanggit sa itaas, upang makalkula ang haba ng isang gilid ng isang tatsulok, magagamit natin ang teorya ng Pythagorean na nagsasaad na:

Sa isang right triangle, ang square ng hypotenuse ay katumbas ng square ng isang gilid (opposite side) kasama ang square ng isa pang gilid (adjacent side).

Ang ibig sabihin ng square ng hypotenuse ay i-multiply ang sukat ng hypotenuse sa kanyang sarili.

Kung ang sukat ng hypotenuse ay kinakatawan ng titik c, ang square ng hypotenuse ay c x c  or c2.

Gayundin ang paglalarawan nito sa dalawa pang gilid.

Square ng opposite side = a x a or a2
Square ng adjacent side = b x b or b2

Pagsamahin natin ang lahat ng mga gilid upang mabuo natin ang Pythaghorean formula:

c2 = a2 + b2   or a2 + b2  = c2

Balikan natin ang larawan sa itaas at kalkulahin natin ang sukat ng slide, gamit ang formula sa itaas.

I-presenta natin ang sukat ng hagdan bilang titik a, at tiktik b naman ang distanya mula sa ibaba ng hagdan hanggang ibaba ng slide. Ang sukat naman ng slide ay titik c. 

Base sa larawan, lagyan natin ng value ang mga titik:

a = 3
b = 4
c =  ?

Gamit ang formula sa ibaba, kalkulahin natin ang sukat ng slide:

c2 = a2 + b2
c2 = 32 + 42
c2 = 9 + 16
c2 = 25
c =  251/2  or √𝟐𝟓
c = 5 at (-5)  [Disregard -5 because we are only interested in positive value]
c = 5 units  final answer

Upang lubos na maunawaan pa ang tungkol sa Pythagorean Theorem, sasagutin natin sa susunod na leksyon ang ilang pagsasanay na problema na may kinalaman sa tunay na buhay na kinasasangkutan ng right triangles.

Dapat natin tandaan sa ngayon na ang Pythagorean Theorem ay akma lamang kung ang tatsulok o triangle ay right triangle. Hindi ito angkop sa iba pang uri ng tatsulok tulad ng  isosceles, equilateral, scalene, obtuse, at acute triangle.

May iba pang mga paraan upang makuha ang square root ng isang bilang. Ito ay tatalakayin sa ibang leksyon.

Mga sagot sa pagsasanay:
1. C
2. B
3. B
4. C
5. C

























Tuesday, September 21, 2021

Understanding Trigonometry in Taglish: Lesson 2 - Angles

Isa sa mahihirap na subject sa high school ay ang Trigonometry na ibinibigay kapag nakaabot na sa Grade 10 ang isang mag-aaral. Ang subject ding ito ang madalas ibagsak ng isang estudyante sa kolehiyo dahil kabilang ito sa mga basic subjects na dapat kunin. Kung sa high school ay naka-focus lamang sa simpleng pagkuha ng mga values ng sine, cosine, tangent, at ang kanilang reciprocals - cosecant, secant, at cotangent - ang Trigo, sa kolehiyo ay applications na ng mga trigonometric functions ang ibinibigay na kadalasan ay real word problems.


LESSON 2 – ANGLES (Mga SALIKOP O ANGGULO)

Sa araling ito, malalaman mo kung ano ang anggulo o salikop. Malalaman mo rin ang iba't ibang mga uri ng mga anggulo at kung paano ito sinusukat.

Ang pag-alam tungkol sa mga anggulo ay napakahalaga sapagkat may mga problemang maaari nating harapin na nangangailangan ng kaalaman sa mga anggulo at kanilang mga sukat. Ang kaalamang ito ay kapaki-pakinabang din sa paggawa ng ating pang-araw-araw na gawain tulad ng pagsasabi ng oras. 

Isang paraan upang maunawaan ang iba’t ibang uri ng angles ay ang pagmamasid sa isang orasan. Mapapansin na ang isang ordinaryong orasan ay may dalawang kamay, isang maliit at isang malaki. (Huwag muna nating pansinin ang ikatlong maliit na kamay na para sa segundo.) Ang dalawang kamay na ito o ray ay may iisang endpoint. Ang endpoint na ito ay tinatawag ding vertex. Ang angle o salikop ay nalilikha kapag ang dalawang linya ay nagsalubong o nag-intersect sa iisang point.



Paano bibigyan ng pangalan ang isang angle?

Ang isang angle ay maaaring pangalanan sa pamamagitang ng tatlong magkakaibang malalaking titik. Masdan ang larawan sa ibaba. Tatlong anggulo ang nakalarawan dito:
∠ABC (Pagbasa: Angle ABC),    ∠BCA,   at   ∠BAC. Dapat nating tandaan na sa pagbibigay pangalan sa isang salikop, ang ikalawa o gitnang titik ay para sa vertex o ang intersecting point.


Maliban sa 3 malalaking titik, maaari ring pangalanan ang isang angle ng isang titik lamang o isang numero, tulad ng nasa ibabang larawan.
Ilang angles ang nakita mo sa larawan?

                                            



The PROTRACTOR

Ang nakalarawan sa ibaba ay tinatawag na protractor. Ito ay isang aparato na ginagamit upang sukatin ang isang anggulo.


Mag-ingat sa pagbasa ng tamang hanay ng mga numero dahil ang isang protractor ay may dalawang hanay ng mga numero: ang isang hanay ay nagmula sa 0 hanggang 180, ang isa pang hanay ay mula 180 hanggang 0. Alin man sa iyong nabasa ay nakasalalay sa kung paano mo inilalagay ang protractor: ilagay ito upang ang isang gilid ng anggulo ay nakahanay  sa  isa sa mga zero, at basahin ang hanay ng mga numerong iyon upang masukat ang tamang anggulo.

Paano Gumamit ng Protractor?

Upang masukat ang isang anggulo gamit ang isang protractor, sundin ang mga hakbang sa ibaba.

1. I-line up ang vertex ng anggulo gamit ang tuldok sa gitna ng protractor.
2. I-line up ang isang gilid ng anggulo na may 0 degree sa protractor.
3. Basahin ang protractor upang makita kung saan ang isa pang gilid ng anggulo ay tumumbok sa number scale.


    This angle measures 120 degrees, or 120°.


This angle measures 35 degrees, or 35°.

Degree ( ° ) is the unit of measurement for angle.

Pagmasdan ang mga larawan sa ibaba at isulat kung ano ang sukat na anggulo base sa protractor.





Mga Uri ng Anggulo

1. Acute angle  -  ang tawag sa isang salikop kung ang sukat nito ay lampas sa zero degree nguni’t mas mababa sa 90 degrees, 






2. Right angle  -  ang tawag sa isang salikop kung ang sukat nito ay eksaktong 90 degrees.


3. Obtuse angle  -  ang tawag sa isang salikop kung ang sukat nito ay mas malaki sa 90 degrees subali’t mas mababa sa 180 degrees.



4. Straight angle  -  ang tawag sa isang salikop kung ang sukat nito ay eksaktong180 degrees.


5. Reflex angle  -  ang tawag sa isang salikop kung ang sukat nito ay mas malaki sa 180 degrees subali’t mas mababa sa 360 degrees.





6. Complete  or full angle  -  ang tawag sa isang salikop kung ang sukat nito ay eksaktong 360 degrees.


PAGTATASA (Assessment) : Lines and Angles

1. Kung ang dalawang linya ay hindi maaaring makagawa ng isang anggulo, ito ay tinatawag na _______.

A. Intersecting lines
B. Parallel lines
C. Perpendicular lines
D. Straight lines

2. Dalawang linya na makalilikha ng apat na right angles.

A. Intersecting lines
B. Parallel lines
C. Perpendicular lines
D. Straight lines

3. Anong mga anggulo ang malilikha ng dalawang intersecting lines?

A. 2 right at 2 acute angles
B. 4 na acute angles
C. 2 acute at 2 obtuse angles
D. 1 acute, 1 right, at 2 obtuse angles

4. Sa larawan, anong uri ng anggulo ang nilikha ng dalawang kamay ng orasan?


A. Acute angle
B. Right angle
C. Reflex angle
D. Obtuse angle

5. Sa larawan, anong uri ng anggulo ang nilikha ng dalawang kamay ng orasan?


A. Acute angle
B. Right angle
C. Obtuse angle
D. Reflex angle

6. Sa larawan, alin ang obtuse angle?
∠CEG II. ∠CEF
III. ∠BEF IV. BEG


A. I
B.  II and  III
C. II and IV
D. I and IV

7. Alin sa mga sukat ang halimbawa ng isang acute angle?

A. 170 degrees
B.  115 degrees
C.  90 degrees
D. 37 degrees

8. Ano ang sukat ng anggulo na sinukat ng protractor?




A. 60 degrees
B.  65 degrees
C.  120 degrees
D. 180 degrees


9. Ilang obtuse angle ang maaaring kapalooban ng isang straight angle?

A. 0
B.  1
C.  2
D. 4


10. Kung ang isang angle ay may sukat na 18 degrees, anong sukat ang kailangan nito upang maging right angle?

A. 12 degrees
B.  42 degrees
C.  72 degrees
D. 162 degrees

Sa susunod na leksyon ay tatalakayin naman natin ang tungkol sa complementary at supplementary angles, Pythagorean Theorem at kung paano ito magagamit sa paglutas ng mga tunay na  suliranin  na kinasasangkutan ng mga anggulo.

Mga Sagot sa Pagtatasa:

Sunday, September 19, 2021

Understanding Trigonometry in Taglish: Lesson 1 - Lines

Isa sa mahihirap na subject sa high school ay ang Trigonometry na ibinibigay kapag nakaabot na sa Grade 10 ang isang mag-aaral. Ang subject ding ito ang madalas ibagsak ng isang estudyante sa kolehiyo dahil kabilang ito sa mga basic subjects na dapat kunin. Kung sa high school ay naka-focus lamang sa simpleng pagkuha ng mga values ng sine, cosine, tangent, at ang kanilang reciprocals - cosecant, secant, at cotangent - ang Trigo, sa kolehiyo ay applications na ng mga trigonometric functions ang ibinibigay na kadalasan ay real word problems.

Ano ba ang Trigonometry?

Ang salitang trigonometry, ay kinuha mula sa mga salitang Griyego na trigonon at metron. Ang Trigonon ay nangangahulugang "tatsulok" at ang metron ay nangangahulugang "sukatin". Sa gayon, ang ating pag-aaral ng trigonometry ay ipopokus sa mga triangles.

Bago natin lubos na maunawaan at matutunan ang Trigonometry, nararapat ay may sapat na tayong kaalaman tungkol sa mga linya at salikop (lines and angles). Magbalik-aral muna tayo tungkol sa mga linya at salikop o anggulo. Narito ang ilang konsepto na dapat nating maunawaan at tandaan:

A. Point  (.)

Ang isang point sa Matematika ay isang eksaktong lokasyon sa isang plane, karaniwang minarkahan ng isang tuldok. Ang isang plane ay isang 2-dimensional, patag na ibabaw. Maraming tao ang nag-iisip na ang isang point ay isang dot o tuldok, ngunit hindi - ang tuldok ay simpleng ginagamit upang ipakita sa iyo ang lokasyon ng isang point. Dahil ang isang point ay isang lokasyon, wala itong mga sukat - posisyon lamang ito sa isang plane.

B. Line (Linya) _______

Ang isang linya ay isang pinagsama-samang mga points. Ang isang linya ay tuloy-tuloy sa dalawang direksyon.

C. Line segment - isang bahagi ng isang linya na may hangganan na haba. Ang segment ng linya na may mga endpoint na A at B ay isusulat na AB at overbar sa itaas nito (tulad ng nasa larawan) .

D. Ray  - isang linya na may isang endpoint sa simula na umaabot nang walang hanggan sa isang direksyon (na ipinamamalas ng isang arrow)

 


Mga Tipo o Uri ng mga linya:

1. Parallel lines (kahilerang mga linya) - mga pares ng linya na magkatulad na hindi kailanman magtatagpo gaano man kahaba palawigin ang mga ito.

A_____________________________B

C_____________________________D


2. Intersecting lines - mga pares ng linya na maaaring magtagpo sa isang point. Ang point kung saan nagtagpo ang dalawang linya ay tinatawag na point of intersection.


3. Perpendicular lines - mga pares ng linya nang magtagpo sa isang point of intersection ay nakagawa ng apat na right angles or mga salikop na may sukat na 90 degrees o 90o

Sa susunod na leksyon ay tatalakayin naman natin ang mga uri ng angle o salikop.