Showing posts with label #area. Show all posts
Showing posts with label #area. Show all posts

Wednesday, February 10, 2021

Solving the Perimeter and Area of Common Geometric Shapes

Bago natin matutunan kung paanong mag-solve ng perimeter (buong gilid) at area o lawak/sukat ng isang hugis, dapat muna nating malaman kung anu-ano ang katangian ng mga hugis na ito.

A. SQUARE (Parisukat) - ito ay isang hugis kung saan ang mga sides o gilid ay makakapareho ang sukat. Matatawag din isang uri ng rhombus ang square.



B. RECTANGLE (Parihaba) - isang hugis kung saan ang magkatapat na gilid ay magkapareho ang sukat. Ito ay isang uri ng parallelogram kung saan ang apat na sulok ay may angle na 90 degrees.

C. CIRCLE  / ROUND (Bilog)  - isang hugis na walang sulok at gilid.
Parts of a circle / Mga Bahagi ng Bilog

(Image from https://www.aplustopper.com/parts-of-the-circle/)

D. TRIANGLE (Tatsulok) - isang hugis na may tatlong sulok. Ang mga gilid ay maaaring magkakapareho ang sukat o hindi.


E. PARALLELOGRAM (Parallelogram)  - isang patag na hugis na may kasalungat (opposite) na mga gilid na parallel at pantay ang haba. Ang mga halimbawa ng parallelogram ay parisukat (square), parihaba (rectangle) at rhombus (nasa ibaba ang anyo). Dapat tandaan na ang rhombus, tulad ng parisukat, ay mayroong magkakaparehong sukat ng mga gilid.


How to compute for the perimeter and area of a shape? 
PAANO KUNIN ANG PERIMETER at LAWAK NG ISANG HUGIS?

A. SQUARE 

        Para makuha ang perimeter ng isang parisukat, kunin lamang ang haba ng isang gilid nito at i-multiply sa 4.

Halimbawa:
If the side of a square is 5 inches, what is its perimeter?
Perimeter = 5 x 4 = 20 inches.

        Kung kukunin naman ang area, i-multiply lamang ang sukat ng isang gilid ng dalawang beses.

    Halimbawa:
A square table has a side of 4 feet. Compute its area.
Area = 4 x 4 = 16 square feet (sq. ft. of ft^2)

B. RECTANGLE 

        Makukuha ang perimeter ng isang parihaba sa pamamagitan ng pag-add ng lahat ng sukat ng mga gilid nito. Dahil magkapareho ang sukat ng 2 dalawang maikling gilid  (width) at magkapareho rin ang sukat ng mahabang gilid (length), maaarng sundin ang formuang ito:
Perimeter = 2a + 2b ==> kung saan ang a = maikling gilid; b = mahabang gilid.

Halimbawa:
Find the perimeter of a rectangle whose short side is 6 cm. and long side is 9 cm.
Perimeter = 2(6) + 2(9) = 12 + 18 = 30 cm.

Upang makuha naman ang area ng isang rectangle, i-multiply lamang ang maikling gilid sa mahabang gilid (width x length).

Halimbawa:
A rectangle lot measures 20 x 35 meters. Find its area.
Area = 20 x 35 = 700 square meters (sq. m.)

C. CIRCLE

Ang perimeter ng bilog ay ang circumference (sirkumperensya) nito. Upang makuha nito, gamitin ang formulang ito:
Circumference = 
2
π
r ,
k
ung saan ang
π (pi) ay may katumbas na 3.1416 o 3,14 at ang r ay ang radius ng bilog.

Halimbawa:
Compute for the circumference (perimeter) of a round table whose radius is 2 feet.
C = 
2
π
r ==>
2 (2) (3.14) = 12.56 feet

Para naman makuha ang area ng isang circle, gamitin ang formulang ito:
Area of circle : 
A
=
π
r^
2     I-multiply lamang ang pi sa square radius o radius x radius.

Halimbawa:
A round table has 30 cm. radius. Find its area.
A
=
π
r^
2 ==> 3.14 x 30 x 30  = 2,826 square cm.

D. TRIANGLE

Upang makuha ang perimeter ng tatsulok, i-add lamang ang sukat ng 3 gilid nito.

Halimbawa:
The sides of a triangle measures 3, 4, and 5 inches. Compute its perimeter.
Perimeter of a triangle = a + b + c = 3 + 4 + 5 = 12 inches

Para naman makuha ang area ng trianle, gamitin ang formulang ito:
Area of triangle = 1/2 b h, kung saan ang b ay sukat ng base at h ay sukat ng height o taas nito.

Halimbawa:
If a triangle has a base of 10 cm and a height of 14 inches, then its area is _______.
Area = 1/2 b h ==> 1/2 (10) (14) = 70 sq. cm.

E. PARALLELOGRAM 


Sa pagkuha ng perimeter ng isang rhombus, i-add lamang ang lahat ng gilid nito. Nguni't dahil magkakapareho naman ang sukat ng mga gilid nito, i-multiply ang gilid sa 4.

Halimbawa:
A rhombus has a side of 6 cm. What is its perimeter?
Perimeter = 4s ==> 4 x 6 = 24 cm

Sa pagkuha ng area ng rhombus, kunin lamang ang taas (H) (tulad ng nasa larawan sa itaas) at i-multiply ito sa sukat ng side (b)o gilid.

Halimbawa:
Find the area of a rhombus whose side is 5 inches and height of 7 inches.

Area of rhombus = b H ==> 5 x 7 = 25 square inches

=================================
Ang ipinaliwanag sa itaas ay konsepto sa pagkuha ng perimeter at area ng mga karaniwang hugis. Sa aktuwal na pagsusulit, nililito muna ang mga mag-aaral pero kung alam mo ang hinihingi ng problema, madali mo itong masasagutan.