Makikitang ang mga denominators ay 2 at 4. Dahil dito, hindi sila maaaring idagdag. Kailangang maging MAGKAPAREHO muna ang kanilang mga DENOMINATOR bago sila pwedeng pagsamahin. Paano ito gagawin?
Sa pagsusuma ng dalawang praksyon na may magkaibang denominator, sundin ang mga sumusunod na hakbang (steps)"
1. Gawing magkapareho ang denominator ng dalawang fraction. Paano ito gagawin?
Simple lamang. I-Multiply ang dalawang denominator.
Ang dalawang denominator ng ating halimbawa ay 2 at 4. Kung -imumultiply, ang makukuhang produkto ay 8:
2 x 4 = 8
2. Ang nakuhang sagot sa step 1 ang siyang magiging common denominator.
3. Palitan ang mga fraction sa kanilang katumbas na fraction o tinatawag na equivalent fraction.
Ano ang katumbas ng 1/2 kung ang denominator nito ay 8?
Ano ang katumbas ng 3/4 kung ang denominator nito ay 8?
I-DIVIDE ang nakuhang common denominator na 8 sa original na denominator ( 2 or 4) at i-MULTIPLY ang nakuhang sagot sa numerator ( 1 o 3). Ang makukuhang sagot ang siyang magiging bagong numerator. Panatilihin ang bagong denominator na 8.
Kung gayon, ang katumbas ng 1/2 ay ==> 8 / 2 = 4 x 1 = 4 ==> 4/8
Ang katumbas ng 3/4 ==> 8/4 = 2 x 3 = 6/8
4. I-ADD ang dalawang fraction kung pareho na ang mga denominator nito.
5. I-simplify ang sagot kung maaari.
Makikitang ang sagot na 10/8 ay maaari pang maging simple. Kung i-didivide natin ang 10/8, ang makukuha nating sagot ay 1 2/8 pero ang sagot na ito ay maaari pang maging simple dahil ang katumbas ng 2/8 ay 1/4. Kung gayon, ang 10/8 = 1 2/8 = 1 1/4
Pagsasanay:
I-ADD o i-SUMA ang mga sumusunod na fractions.
1) 2/5 + 1/3 =?
Ang common denominator ay 5 x 3 = 15.
Kunin ang equivalent fractions. I-divide ang common denominator na 15 sa original na denominator at imultiply ito sa numerator. Ang sagot ang magiging bagong numerator. Panatilihin ang common denominator
2/5 ==> 15 / 5 = 3 x 2 = 6 ==> 6/15
1/3 ==> 15 / 3 = 5 x 1 = 5 ==> 5/15
Ang equivalent fraction ng 2/5 ay 6/15 at 5/15 sa 1/3
Dahil pareho na ang mga denominator, maaari nang pagsamahin ang 2 fractions.
6/15 + 5/15 = 11/15
Hindi na maaaring i-simplify pa ang sagot dahil walang common factor ang numerator at denominator o dahil na rin sa maliit naman ang numerator sa denominator.
2) 1/2 + 3/8 = ?
Common denominator ; 2 x 8 = 16
Equivalent fractions: 1/2 ==> 16/2 = 8 x 1 = 8 ==> 8/16
3/8 ==> 16/8 = 2 x 3 = 6 ==> 6/16
Add: 8/16 + 6/16 = 14/16
Simplify : Find the Greatest Common Factor (GCF) of the Numerator and Denominator = ang pinakamalaking bilang na pwede silang i-divide na walang remainder o whole number ang sagot.
Ano ang mga factors ng 14 at 16? (Ang factors ay mga numero na kapag ini-multiply mo, ang magiging sagot ay 14 o kaya ay 16)
Ang mga factors ng 14 ay 1, 2, 7 at 14.
1 x 14 = 14
2 x 7 = 14
Ang mga factors ng 16 ay 1, 2, 4, 8 at 16.
1 x 16 = 16
2 x 8 = 16
4 x 4 = 16
Makikitang ang GCF ng numerator (14) at denominator (16) ay 2.
I-divide ang numerator at denominator sa 2 upang maging simple ang fraction.
14/2 = 7 ; 16/2 = 8
Ang simpleng porma ng 14/16 ay 7/8.