Showing posts with label numeral. Show all posts
Showing posts with label numeral. Show all posts

Thursday, March 26, 2009

Aralin Blg. 1 - Numbers (Ang Mga Bilang o Numero)

Umpisahan natin ang ating leksyon sa konsepto ng bilang. Sang-ayon sa Wikipedia, ang bilang ay isang konsepto sa Matematika na gamit sa pagbilang at pagsukat. Ang simbolong kumakatawan sa bilang ay tinatawag na numeral, ngunit sa pangkaraniwang gamit ng salita, ang numero o bilang ay gamit bilang isang abtraktong bagay at ang sinisimbolo nito

Whole Numbers and Integers

Whole Numbers are simply the numbers 0, 1, 2, 3, 4, 5, … (and so on)
No Fractions!

Ang mga whole numbers o buong bilang ay ang mga numerong 0, 1, 2, 3, 4, 5, 6,... at iba pa.
Hindi kasapi rito ang mga Fractions ( 1/2, 3/4, 23/45) o mga decimals ( 0.25, .0133, 0.245)
Counting Numbers are Whole Numbers, but without the zero. Because you can't "count" zero. So they are 1, 2, 3, 4, 5, … (and so on).
Ang mga counting numbers ay mga buong bilang nguni't hindi kasama ang zero (0). Kaya ang mga counting numbers ay 1, 2, 3, 4, 5,... at iba pa.


"Natural Numbers" can mean either "Counting Numbers" (1, 2, 3, etc), or "Whole Numbers" (0, 1, 2, 3, etc), there is disagreement on the definition.
Ang mga natural numbers ay maaaring ang mga counting numbers o ang mga whole numbers.

Integers are like whole numbers, but they also include negative numbers ... but still no fractions allowed!

Ang mga integers (kabuuan) ay tulad ng mga whole numbers ngunit kabilang din dito ang mga negative numbers. Hindi kasama rito ang mga hating-bilang (fractions).
Ang mga kabuuan ay maaating negatibo ( -1, -2, -3, at iba pa) , positibo ( 1,2,3,4,...), at zero (0).
So, integers can be negative (-1, -2,-3, -4, -5, … ), positive (1, 2, 3, 4, 5, … ), and zero (0)

Sa pag-aaral ng mga integers, dapat nating alalahanin ang number line (linyang bilang) gaya nasa itaas. Mapapansin na ang pinakagitna ng number line ay ang numerong zero (0). Sa kaliwa ng zero ay ang mga negatibong integers at sa kanan naman ay ang mga positibong integers.
(From www.mathisfun.com)