Sunday, September 19, 2021

Understanding Trigonometry in Taglish: Lesson 1 - Lines

Isa sa mahihirap na subject sa high school ay ang Trigonometry na ibinibigay kapag nakaabot na sa Grade 10 ang isang mag-aaral. Ang subject ding ito ang madalas ibagsak ng isang estudyante sa kolehiyo dahil kabilang ito sa mga basic subjects na dapat kunin. Kung sa high school ay naka-focus lamang sa simpleng pagkuha ng mga values ng sine, cosine, tangent, at ang kanilang reciprocals - cosecant, secant, at cotangent - ang Trigo, sa kolehiyo ay applications na ng mga trigonometric functions ang ibinibigay na kadalasan ay real word problems.

Ano ba ang Trigonometry?

Ang salitang trigonometry, ay kinuha mula sa mga salitang Griyego na trigonon at metron. Ang Trigonon ay nangangahulugang "tatsulok" at ang metron ay nangangahulugang "sukatin". Sa gayon, ang ating pag-aaral ng trigonometry ay ipopokus sa mga triangles.

Bago natin lubos na maunawaan at matutunan ang Trigonometry, nararapat ay may sapat na tayong kaalaman tungkol sa mga linya at salikop (lines and angles). Magbalik-aral muna tayo tungkol sa mga linya at salikop o anggulo. Narito ang ilang konsepto na dapat nating maunawaan at tandaan:

A. Point  (.)

Ang isang point sa Matematika ay isang eksaktong lokasyon sa isang plane, karaniwang minarkahan ng isang tuldok. Ang isang plane ay isang 2-dimensional, patag na ibabaw. Maraming tao ang nag-iisip na ang isang point ay isang dot o tuldok, ngunit hindi - ang tuldok ay simpleng ginagamit upang ipakita sa iyo ang lokasyon ng isang point. Dahil ang isang point ay isang lokasyon, wala itong mga sukat - posisyon lamang ito sa isang plane.

B. Line (Linya) _______

Ang isang linya ay isang pinagsama-samang mga points. Ang isang linya ay tuloy-tuloy sa dalawang direksyon.

C. Line segment - isang bahagi ng isang linya na may hangganan na haba. Ang segment ng linya na may mga endpoint na A at B ay isusulat na AB at overbar sa itaas nito (tulad ng nasa larawan) .

D. Ray  - isang linya na may isang endpoint sa simula na umaabot nang walang hanggan sa isang direksyon (na ipinamamalas ng isang arrow)

 


Mga Tipo o Uri ng mga linya:

1. Parallel lines (kahilerang mga linya) - mga pares ng linya na magkatulad na hindi kailanman magtatagpo gaano man kahaba palawigin ang mga ito.

A_____________________________B

C_____________________________D


2. Intersecting lines - mga pares ng linya na maaaring magtagpo sa isang point. Ang point kung saan nagtagpo ang dalawang linya ay tinatawag na point of intersection.


3. Perpendicular lines - mga pares ng linya nang magtagpo sa isang point of intersection ay nakagawa ng apat na right angles or mga salikop na may sukat na 90 degrees o 90o

Sa susunod na leksyon ay tatalakayin naman natin ang mga uri ng angle o salikop.