How to multiply fractions?
Paano mag-multiply ng hating-bilang (praksyon)?
Follow the steps below in multiplying fractions;
Sundin ang mga sumusunod na hakbang sa pagmumulitply ng praksyon:
Example (Halimbawa)
1. Multiply the numerator of the first fraction by the numerator of the second fraction.
Imultiply ang numerator (numerong nasa itaas) ng unang praksyon sa numerator ng ikalawang praksyon.
2. Multiply the denominator of the first fraction by the denominator of the second fraction.
Imultiply ang denominator (numerong nasa ibaba) ng unang praksyon sa denominator ng ikalawang praksyon.
3. Simplify the answer or reduce it to lowest term.
Gawing simple ang sagot o paliitin ang termino/antas.
To simplify, find the Greatest Common Factor (GCF) of the numerator and the denominator.
The factors of 6 are 1,2,3 and 6.
The factors of 20 are 1, 2, 4, 5, 10 and 20.
We can see that the GCF of 6 and 20 is 2. Dividing the numerator and the denominator by 2 / 2 will not change the value of the original fraction since 2/2 = 1.
WARNING : The rule of dividing fractions IS NOT THE SAME as multiplying fractions. See the lesson for it.
BABALA: Ang mga tuntunin sa pagdi-divide ng praksyon ay HINDI KAPAREHO sa pagmu-multiply ng praksyon. Tingnan sa susunod na aralin.
Friday, March 25, 2011
Saturday, March 19, 2011
Subtraction of Fractions with Like Denominators
Subtracting Fractions - Pagbabawas ng Hating-Bilang
There are 3 simple steps to subtract fractions. (Mayroon tatlong hakbang sa pagbabawas ng hating-bilang)
1. Make sure the bottom numbers (the denominators) are the same.
Siguraduhin na ang mga numerong nasa ibaba (denominators) ay magkatulad.
2. Subtract the top numbers (the numerators). Put the answer over the same denominator.
Ibawas ang mga numerong nasa itaas (numerators). Ilagay ang sagot sa ibabaw ng magkatulad na denominator.
3. Simplify the fraction.
Gawing simple ang hating-bilang.
Example 1:
3 | – | 1 |
6 | 6 |
Step 1. The bottom numbers are already the same. Go straight to step 2.
Step 2. Subtract the top numbers and put the answer over the same denominator:
3 | – | 1 | = | 3 – 1 | = | 2 |
6 | 6 | 6 | 6 |
Step 3. Simplify the fraction:
2 | = | 1 |
6 | 3 |
Saturday, March 12, 2011
ADDITION OF FRACTION WITH UNLIKE DENOMINATORS
Madali lamang mag-ADD ng hating-bilang (fraction) kung ang denominator (ang numero sa ibaba) ay magkatulad. May konting kahirapan lamang kung ang mga ito ay hindi magkatulad. Tingnan ang halimbawa sa ibaba:
Makikitang ang mga denominators ay 2 at 4. Dahil dito, hindi sila maaaring idagdag. Kailangang maging MAGKAPAREHO muna ang kanilang mga DENOMINATOR bago sila pwedeng pagsamahin. Paano ito gagawin?
Sa pagsusuma ng dalawang praksyon na may magkaibang denominator, sundin ang mga sumusunod na hakbang (steps)"
1. Gawing magkapareho ang denominator ng dalawang fraction. Paano ito gagawin?
Simple lamang. I-Multiply ang dalawang denominator.
Ang dalawang denominator ng ating halimbawa ay 2 at 4. Kung -imumultiply, ang makukuhang produkto ay 8:
2 x 4 = 8
2. Ang nakuhang sagot sa step 1 ang siyang magiging common denominator.
3. Palitan ang mga fraction sa kanilang katumbas na fraction o tinatawag na equivalent fraction.
Ano ang katumbas ng 1/2 kung ang denominator nito ay 8?
Ano ang katumbas ng 3/4 kung ang denominator nito ay 8?
I-DIVIDE ang nakuhang common denominator na 8 sa original na denominator ( 2 or 4) at i-MULTIPLY ang nakuhang sagot sa numerator ( 1 o 3). Ang makukuhang sagot ang siyang magiging bagong numerator. Panatilihin ang bagong denominator na 8.
Kung gayon, ang katumbas ng 1/2 ay ==> 8 / 2 = 4 x 1 = 4 ==> 4/8
Ang katumbas ng 3/4 ==> 8/4 = 2 x 3 = 6/8
4. I-ADD ang dalawang fraction kung pareho na ang mga denominator nito.
5. I-simplify ang sagot kung maaari.
Makikitang ang sagot na 10/8 ay maaari pang maging simple. Kung i-didivide natin ang 10/8, ang makukuha nating sagot ay 1 2/8 pero ang sagot na ito ay maaari pang maging simple dahil ang katumbas ng 2/8 ay 1/4. Kung gayon, ang 10/8 = 1 2/8 = 1 1/4
Pagsasanay:
I-ADD o i-SUMA ang mga sumusunod na fractions.
1) 2/5 + 1/3 =?
Ang common denominator ay 5 x 3 = 15.
Kunin ang equivalent fractions. I-divide ang common denominator na 15 sa original na denominator at imultiply ito sa numerator. Ang sagot ang magiging bagong numerator. Panatilihin ang common denominator
2/5 ==> 15 / 5 = 3 x 2 = 6 ==> 6/15
1/3 ==> 15 / 3 = 5 x 1 = 5 ==> 5/15
Ang equivalent fraction ng 2/5 ay 6/15 at 5/15 sa 1/3
Dahil pareho na ang mga denominator, maaari nang pagsamahin ang 2 fractions.
6/15 + 5/15 = 11/15
Hindi na maaaring i-simplify pa ang sagot dahil walang common factor ang numerator at denominator o dahil na rin sa maliit naman ang numerator sa denominator.
2) 1/2 + 3/8 = ?
Common denominator ; 2 x 8 = 16
Equivalent fractions: 1/2 ==> 16/2 = 8 x 1 = 8 ==> 8/16
3/8 ==> 16/8 = 2 x 3 = 6 ==> 6/16
Add: 8/16 + 6/16 = 14/16
Simplify : Find the Greatest Common Factor (GCF) of the Numerator and Denominator = ang pinakamalaking bilang na pwede silang i-divide na walang remainder o whole number ang sagot.
Ano ang mga factors ng 14 at 16? (Ang factors ay mga numero na kapag ini-multiply mo, ang magiging sagot ay 14 o kaya ay 16)
Ang mga factors ng 14 ay 1, 2, 7 at 14.
1 x 14 = 14
2 x 7 = 14
Ang mga factors ng 16 ay 1, 2, 4, 8 at 16.
1 x 16 = 16
2 x 8 = 16
4 x 4 = 16
Makikitang ang GCF ng numerator (14) at denominator (16) ay 2.
I-divide ang numerator at denominator sa 2 upang maging simple ang fraction.
14/2 = 7 ; 16/2 = 8
Ang simpleng porma ng 14/16 ay 7/8.
Tuesday, March 8, 2011
ADDITION OF FRACTION - PAGSUSUMA NG HATIMBILANG
Paano ang pagsusuma/pagdadagdag (Addition) ng praksyon o hatimbilang ?
May tatlong steps (hakbang) kung paano magdagdag ng praksyon:
1. Siguraduhing ang DENOMINATOR (numerong nasa ibaba) ay MAGKAPAREHO.
2. SUMAHIN (Add) ang mga NUMERATOR (numerong nasa itaas) at isulat/panatilihin ang magkaparehong denominator.
3. Gawing SIMPLE (Simplify) ang praksyon kung kinakailangan.
Halimbawa:
Dahil magkapareho ang mga denominator, maaari na nating sundin ang Step 2.
Sumahin ang mga numerator at isulat ang magkaparehong denominator.
Maaari nating i-simplify ang fraction na 4/8. Ito ay katumbas ng 1/2.
Makukuha ang sagot na ito kung hahatiin (divide) natin ang 4/8 sa 4/4.
Tingnan ang larawan sa ibaba. Makikitang ang 4/8 ay kasinglaki/katumbas ng 1/2.
May tatlong steps (hakbang) kung paano magdagdag ng praksyon:
1. Siguraduhing ang DENOMINATOR (numerong nasa ibaba) ay MAGKAPAREHO.
2. SUMAHIN (Add) ang mga NUMERATOR (numerong nasa itaas) at isulat/panatilihin ang magkaparehong denominator.
3. Gawing SIMPLE (Simplify) ang praksyon kung kinakailangan.
Halimbawa:
Dahil magkapareho ang mga denominator, maaari na nating sundin ang Step 2.
Maaari nating i-simplify ang fraction na 4/8. Ito ay katumbas ng 1/2.
Makukuha ang sagot na ito kung hahatiin (divide) natin ang 4/8 sa 4/4.
Tingnan ang larawan sa ibaba. Makikitang ang 4/8 ay kasinglaki/katumbas ng 1/2.
Monday, March 7, 2011
WHAT IS A FRACTION? (HATIMBILANG o PRAKSYON)
Ano ang fraction o hating-bilang?
Ang fraction ay BAHAGI or PARTE lang ng isang BUONG bagay. Dahil dito, masasabing ang praksyon ay hindi kailanman maaaring MAS MALAKI pa sa KABUUAN. Kung magkaganoon, ang hatimbilang ay MAS MALIIT sa ISA.
Tingnan ang larawan sa ibaba. Anong bahagi ng buong parisukat (square) ang kulay dilaw (yellow)?
Makikita natin na ang parisukat ay HINATI sa APAT (4) na bahagi. Makikita rin na ang kulay dilaw ay ISA (1) lamang sa APAT (1) na parte nito. Masasabing ang kulay dilaw ay ISA sa APAT. Ito ay isusulat na 1/4 , kung saan ang nasa ITAAS na bilang ay ang bahaging kulay dilaw at ang nasa IBABA na bilang ay nagsasaad kung ilang parte o bahagi ang ginawa sa isang buong parisukat.
Sa fraction o hatimbilang, ang numerong nasa ITAAS ay tinatawag na NUMERATOR. Tinatawag ding panakda, tagahati, pamhati, o numerador ang numerator. Ang nasa IBABA naman ng hatimbilang ay tinatawag na DENOMINATOR o denominador.
Sa pagpapatuloy, ano namang BAHAGI ang may kulay dilaw sa larawang nasa kanan?
Matutunghayan natin na ang may DALAWANG (2) parte ng parisukat ang may kulay dilaw. Ito ay isusulat bilang 2/4. Gayunpaman, kung susuriin mabuti ang larawan, ang 2/4 ay katumbas din ng 1/2 o kalahati. Ito ay sa kadahilanang kung i-didivide natin sa 2/2 ang 2/4, ang makukuha nating sagot ay 1/2. (Tunghayan sa susunod na leksyon kung paano mag-divide ng fraction).
Anong BAHAGI naman ng parisukat na nasa kaliwa ang kulay dilaw?
Makiktang may TATLONG (3) parte ng kabuuang parisukat ang may kulay dilaw. Dahil dito, ang hating-bilang ay isusulat na 3/4, kung saan ang 3 ay kumakatawan kung ilang bahagi ng parisukat ang kulay dilaw (Numerator) at ang 4 ay kumakatawan naman kung ilan lahat ang bahagi o parte ng parisukat (Denominator).
Anong bahagi ng parisukat na nasa kanan ang kulay dilaw?
Agad nating makikita na APAT (4) sa APAT (4) na parte ng parisukat ang may kulay dilaw. Ang praksyon ay isusulat na 4/4. Mapapansin din natin na ang BUONG parisukat ay may kulay dilaw. Dahil dito, masasabing ang 4/4 ay katumbas ng ISA (1). Dapat tandaan: kung PAREHO ang numero ng NUMERATOR at DENOMINATOR, ito ay katumbas ng 1.
Halimbawa:
12/12 = 1
345/345 = 1
7/7 = 1
Dahil sa nabanggit, masasabi nating ang numerong may parehong numerator at denominator ay HINDI maaaring tawaging fraction dahil na rin sa limitasyon ng kahulugan ng praksyon na ito ay bahagi lamang ng isang buo.

Wednesday, March 2, 2011
Mode, Mean, Median & Range
Mode
The mode of a set of data is the value in the set that OCCURS MOST often.
(Ang mode ng isang set o pangkat ay ang value sa pangkat na may pinakamaraming beses na lumabas o naulit.)
Example:
12, 15, 17, 12, 14, 15, 16, 15, 18, 11, 13
Sa halimbawang ito, makikitang ang 15 ay ang may pinakamaraming lumabas sa pangkat. Dahil dito ang mode ng set ay 15.
Mean (Gitna) is the AVERAGE of all the data. It is computed by ADDING ALL the values of the set and then DIVIDE it by the number of the values. (Ang Mean ay makukuha kapag pinagsama-sama ang mga values ng set at HATIIN ito sa bilang ng mga values).

Makikitang may 11 values ang set. Ito ang tinatawag na bilang ng mga values. Kapag in-ADD o kinuha natin ang kabuuan ng mga values = 12+15+17+12+14+15+16+18+11, ang magiging suma ay 143.
Ang mean ng set ay 143/11 = 13
Median (Kalahatian) is the MIDDLE value in the set. Ang median ay ang PINAKAGITNA sa mga values ng isang pangkat. Para madaling makuha ito, ayusin ang mga values mula maliit, palaki. Pagkatapos, kunin ang pinakagitna nito.

Arrange the values from lowest to highest.
11, 12, 12, 13, 14, 15, 15, 15, 16, 17, 18
Get the middle value.
The middle value is 15, which is the median.
How about if there are TWO middle values? (Paano kung DALAWA ang pinakagitnang values?) Ibig sabihin nito ay EVEN ang bilang ng mga values. Just add the two middle values and divide it by 2.
Example:
3, 5, 6, 7, 8, 9 ( There are 6 values, which is even)
Kung kukunin ang pinakagitnang values, ang magiging sagot ay 6 at 7. Kapag nangyari ito, i-ADD ang dalawang value at hatiin (divide) sa dalawa ==>
6 + 7 = 13/2 = 6.5 ==is the Median
Range (Saklaw) - is the DIFFERENCE between the LARGEST and SMALLEST value. (Ang Range ng mga values ay ang SAGOT kapag binawas ang PINAKAMALIIT na value mula sa PINAKAMALAKI).
Example1: 12, 15, 17, 12, 14, 15, 16, 15, 18, 11, 13
The largest value is 18.
The smallest value is 11.
Subtract 11 from 18 >>>> 18 - 11 = 7 is the Range
Example 2: 5, 3, 6, 18, 100, 56
The largest value is 100. The smallest value is 3.
The Range is 100 - 3 = 97

Subscribe to:
Posts (Atom)