Madali lamang ang pagso-solve ng mga "coin problems" sa Math kung mauunawaan nating mabuti ang problemang kinakaharap.
Kalimitan, ang coin problem ay kinapapalooban kung ilan ang mga coins o barya, magkano ang kabuuang pera at alamin kung ilan ang bilang ng iba't ibang barya.
Ang istratehiya sa paglutas ng mga coin problem ay maaari ring gamitin sa mga perang papel o anuman na may halaga (value/amount), tulad ng mga tiket.
Sa pagsagot ng mga coin problem, dapat lang na tama ang paggawa ng equation upang wasto rin ang sagot.
Tulad nang nabanggit na, ang coin problem ay kinapapalooban ng kung ilan ang mga barya.
Halimbawa:
Si Ana ay palaging iniipon ang kanyang natirang baon sa isang alkansiya. Ang mga baryang ito ay singko sentimos, diyes, at beinte-singko. Higit sa 10 ang bilang ng singko kaysa beinte-singko at kulang sa 5 ang bilang ng diyes sa beinte-singko. Ang lahat ng barya ay 95 at may halagang P12.00 . Tig-iilan ang singko, diyes at beinte-singko sa alkansya?
Katawanin natin ang mga barya sa pagbibigay ng letra o titik:
S = para sa singko sentimos
D = para sa diyes
B = para sa beinte-singko
(Kahit anong letra sa abakada ay maaari nating gamitin para katawanin ang isang barya)
Dahil ang mga barya ay may 95 piraso, ganito dapat ang mabubuo nating equation:
S + D + B = 95 (bilang ng barya)
Alalahanin natin ang katumbas ng bawa't barya at isulat ito.
S = 0.05 (singko)
D = 0.10 (diyes)
B = 0.25 (beinte-singko)
Dahil ang kabuuang halaga ay P12.00, ganito ang mabubuo nating equation:
0.05S + 0.10D + 0.25B = 12 (halaga ng mga barya)
Kung susuriin, kailangan nating alamin ang bilang ng mga barya. Madali lamang ito kung bibilangin natin sila isa-isa. Pero sa mga problema sa Math, hindi ito ginagawa. Kalimitan para malaman ang bawa't piraso ng barya, may ibinibigay na giya (guide) o pahiwatig (hint).
Pagsamahin natin ang 2 equation na nabuo natin:
S + D + B = 95
0.05S + 0.10D + 0.25B = 12
Sinasabi sa ating suliranin na "higit sa 10 ang bilang ng singko sa beinte-singko at kulang sa 5 ang bilang ng diyes sa beinte-singko" .
Kung gayon,
S = B + 10
D = B - 5
Ihalili natin ito sa atin unang equation.
S + D + B = 95
(B + 10) + (B - 5) + B = 95
3B + 5 = 95
3B = 95 - 5
3B = 90
B = 90/3
B = 30 ===> bilang ng beinte-singko sentimos
S = B + 10 = 30 + 10 = 40 ===> bilang ng singko sentimos
D = B - 5 = 30 - 5 = 25 ===> bilang ng diyes sentimos
=========================
Tig-magkakano naman ang mga barya?
0.05S + 0.10D + 0.25B = 12
0.05(40) + 0.10(25) + 0.25(30) = 12
2 + 2.50 + 7.50 = 12
12 = 12
Ang halaga ng singko ay P2; ang diyes ay P2.50 at ang beinte-singko ay P7.50
========================================================
Para sa perang-Amerikano, dapat tandaan ang katumbas nito:
penny / pennies = 1 cent = 0.01
nickel = 5 cents = 0.05
dime = 10 cents = 0.10
quarter = 25 cents = 0.25
half-dollar = 50 cents = 0.50
golden dollar = 1 dollar = 1.00
1 comment:
Grade 2 paano po ang pagsulat nito.
Ex. A box weigh 2kg. What is the total weight of 4 boxes?
1.) State problem in your own word.
2.) State question in statement form.
Post a Comment