Wednesday, February 10, 2021

Solving the Perimeter and Area of Common Geometric Shapes

Bago natin matutunan kung paanong mag-solve ng perimeter (buong gilid) at area o lawak/sukat ng isang hugis, dapat muna nating malaman kung anu-ano ang katangian ng mga hugis na ito.

A. SQUARE (Parisukat) - ito ay isang hugis kung saan ang mga sides o gilid ay makakapareho ang sukat. Matatawag din isang uri ng rhombus ang square.



B. RECTANGLE (Parihaba) - isang hugis kung saan ang magkatapat na gilid ay magkapareho ang sukat. Ito ay isang uri ng parallelogram kung saan ang apat na sulok ay may angle na 90 degrees.

C. CIRCLE  / ROUND (Bilog)  - isang hugis na walang sulok at gilid.
Parts of a circle / Mga Bahagi ng Bilog

(Image from https://www.aplustopper.com/parts-of-the-circle/)

D. TRIANGLE (Tatsulok) - isang hugis na may tatlong sulok. Ang mga gilid ay maaaring magkakapareho ang sukat o hindi.


E. PARALLELOGRAM (Parallelogram)  - isang patag na hugis na may kasalungat (opposite) na mga gilid na parallel at pantay ang haba. Ang mga halimbawa ng parallelogram ay parisukat (square), parihaba (rectangle) at rhombus (nasa ibaba ang anyo). Dapat tandaan na ang rhombus, tulad ng parisukat, ay mayroong magkakaparehong sukat ng mga gilid.


How to compute for the perimeter and area of a shape? 
PAANO KUNIN ANG PERIMETER at LAWAK NG ISANG HUGIS?

A. SQUARE 

        Para makuha ang perimeter ng isang parisukat, kunin lamang ang haba ng isang gilid nito at i-multiply sa 4.

Halimbawa:
If the side of a square is 5 inches, what is its perimeter?
Perimeter = 5 x 4 = 20 inches.

        Kung kukunin naman ang area, i-multiply lamang ang sukat ng isang gilid ng dalawang beses.

    Halimbawa:
A square table has a side of 4 feet. Compute its area.
Area = 4 x 4 = 16 square feet (sq. ft. of ft^2)

B. RECTANGLE 

        Makukuha ang perimeter ng isang parihaba sa pamamagitan ng pag-add ng lahat ng sukat ng mga gilid nito. Dahil magkapareho ang sukat ng 2 dalawang maikling gilid  (width) at magkapareho rin ang sukat ng mahabang gilid (length), maaarng sundin ang formuang ito:
Perimeter = 2a + 2b ==> kung saan ang a = maikling gilid; b = mahabang gilid.

Halimbawa:
Find the perimeter of a rectangle whose short side is 6 cm. and long side is 9 cm.
Perimeter = 2(6) + 2(9) = 12 + 18 = 30 cm.

Upang makuha naman ang area ng isang rectangle, i-multiply lamang ang maikling gilid sa mahabang gilid (width x length).

Halimbawa:
A rectangle lot measures 20 x 35 meters. Find its area.
Area = 20 x 35 = 700 square meters (sq. m.)

C. CIRCLE

Ang perimeter ng bilog ay ang circumference (sirkumperensya) nito. Upang makuha nito, gamitin ang formulang ito:
Circumference = 
2
π
r ,
k
ung saan ang
π (pi) ay may katumbas na 3.1416 o 3,14 at ang r ay ang radius ng bilog.

Halimbawa:
Compute for the circumference (perimeter) of a round table whose radius is 2 feet.
C = 
2
π
r ==>
2 (2) (3.14) = 12.56 feet

Para naman makuha ang area ng isang circle, gamitin ang formulang ito:
Area of circle : 
A
=
π
r^
2     I-multiply lamang ang pi sa square radius o radius x radius.

Halimbawa:
A round table has 30 cm. radius. Find its area.
A
=
π
r^
2 ==> 3.14 x 30 x 30  = 2,826 square cm.

D. TRIANGLE

Upang makuha ang perimeter ng tatsulok, i-add lamang ang sukat ng 3 gilid nito.

Halimbawa:
The sides of a triangle measures 3, 4, and 5 inches. Compute its perimeter.
Perimeter of a triangle = a + b + c = 3 + 4 + 5 = 12 inches

Para naman makuha ang area ng trianle, gamitin ang formulang ito:
Area of triangle = 1/2 b h, kung saan ang b ay sukat ng base at h ay sukat ng height o taas nito.

Halimbawa:
If a triangle has a base of 10 cm and a height of 14 inches, then its area is _______.
Area = 1/2 b h ==> 1/2 (10) (14) = 70 sq. cm.

E. PARALLELOGRAM 


Sa pagkuha ng perimeter ng isang rhombus, i-add lamang ang lahat ng gilid nito. Nguni't dahil magkakapareho naman ang sukat ng mga gilid nito, i-multiply ang gilid sa 4.

Halimbawa:
A rhombus has a side of 6 cm. What is its perimeter?
Perimeter = 4s ==> 4 x 6 = 24 cm

Sa pagkuha ng area ng rhombus, kunin lamang ang taas (H) (tulad ng nasa larawan sa itaas) at i-multiply ito sa sukat ng side (b)o gilid.

Halimbawa:
Find the area of a rhombus whose side is 5 inches and height of 7 inches.

Area of rhombus = b H ==> 5 x 7 = 25 square inches

=================================
Ang ipinaliwanag sa itaas ay konsepto sa pagkuha ng perimeter at area ng mga karaniwang hugis. Sa aktuwal na pagsusulit, nililito muna ang mga mag-aaral pero kung alam mo ang hinihingi ng problema, madali mo itong masasagutan.

Tuesday, February 9, 2021

ADDITION and SUBTRACTION of MIXED NUMBER

The steps are the same whether you're adding or subtracting mixed numbers:

Bago natin malaman ang pagbabawas at pagdadagdag ng hatimbilang (praksyon), alamin muna natin kung ano ang sumusunod:

1. What is a fraction?

          Ito ay isang uri ng bilang kung saan mayroon itong dalawang bahagi, ang numerator at ang denominator.

Halimbawa:

a. 1/3

b. 2/5                              

2. Ano ang NUMERATOR ng hatimbilang (fraction)?

          Ito ang bilang o numero na nasa ITAAS ng isang fraction.

Sa ating halimbawa na 1/3, ang numerator ay 1. Sa example na 2/5, ang numerator ay 2.

3. Ano naman ang DENOMINATOR?

          Ito ang bilang o numero na nasa IBABA ng isang hatimbilang o praksyon.

          Sa ating example na 1/3, ang denominator ay 3. Ito ay 5 naman sa halimbawang 2/5.

4. Ano ang mixed number?

          Ito ay bilang o numero may dalawang bahagi. Ang unang bahagi ay ang whole number o buong bilang at ang ikalawang bahagi ay ang fraction. Kaya tinawag na mixed number ay dahil magkahalo o magkasama ang whole number at hatimbilang.

Halimbawa:

          a. 4 1/3

          b. 3 2/5

Sa halimbawang 4 1/3, ang whole number ay 4 at ang fraction ay 1/3

3 naman ang buong bilang sa example na 3 2/5 at 2/5 naman ang hatimbilang.

5. Ano ang mga multiples ng isang bilang?

          Ito ay ang mga produkto (o products) na makukuha kapag ang isang numero ay minultiply sa mga counting number o bilang na 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7….and soon.

Halimbawa:

          a. What are the multiples of 2?

          2 x 1 = 2

          2 x 2 = 4

          2 x 3 = 6

          2 x 4 = 8

          2 x 5 = 10

          .

          .

          2 x 100 = 200

Ang mga multiples ng 2 ay 2, 4, 6, 8, 10 ….. 200, atbp.

ADDITION of Mixed Numbers

May dalawang diskarte sa pagdadagdag ng mga mixed numbers. Dahil wala namang problema sa pag-a-ADD ng whole number, ang pagtutuunan nating ng pansin ang pagdadagdag ng 2 fractions.

Halimbawa:

4 1/3 + 3 2/5 = ?

Ang ating mga whole numbers ay 4 at 3.

Ang ating mga fractions ay 1/3 at 2/5.

Ang numerator ng 1/3 ay 1; 3 naman ang denominator. Ang numerator ng 2/5 ay 2 at ang denominator ay 5.

 

Magkatulad lamang ang mga paraan sa pagdadagdag o pagbabawas ng mixed numbers.

Step 1. Find the Least Common Denominator (LCD). The LCD is The smallest multiple of the denominators of two or more fractions.

Hanapin ang Least Common Denominator. Ang LCD ay ang pinakamaliit na multiple ng mga denominators (ang numero sa ibaba ng praksyon) ng dalawa o higit pang praksyon (hatimbilang).

Ano ang mga multiples ng mga denominator ng ating mga hatimbilang? Ang mga ito ay ang mga sumusunod:

3 x 1 = 3 ………. 5 x 1 = 5

3 x 2 = 6 ………. 5 x 2 = 10

3 x 3 = 9 ………. 5 x 3 = 15

3 x 4 = 12 ……… 5 x 4 = 20

3 x 5 = 15 ………. 5 x 5 = 25

3 x 6 = 18 …….. 5 x 6 = 30

Base sa itaas, ang LCD o LCM (Least Common Multiple) ng 3 at 5 ay 15.

Step 2. Find the equivalent fractions.

Hanapin ang katumbas na praksyon ng mixed numbers.

Paano hanapin ang kaumbas ng 1/3?  ng 2/5?

Sundin ang step na nasa ibaba:

Ang nakuha nating LCD o LCM na 15 ang magiging bagong denominator ng fractions na 1/3 at 2/5.

Kung gayon,

1/3 = N/15 ………. 2/5 = N/15

Ang value na lang ng numerator (N) na bawat fraction ang ating hahanapin. Paano ito gagawin?

Para makuha ang N, i-DIVIDE lamang ang nakuha nating  LCD o LCM na 15 sa ORIGINAL na DENOMINATOR at I-MULTIPLY ito sa ORIGINAL na NUMERATOR.

Kaya ganito ang mangyayari:

Sa 1/3 ….. (15 ÷ 3) x 1 = 5 x 1 = 5 è ito ang magiging BAGONG NUMERATOR ng ating katumbas na fraction ng 1/3

Sa 2/5 ….. (15 ÷ 5) x 2 = 3 x 2 = 6 è ito ang magiging BAGONG NUMERATOR ng ating katumbas na fraction ng 2/5

Dahil nakuha na natin ang ating bagong numerator, maisusulat na natin ang katumbas na fraction ng original na mga hatimbilang.

Ganito ang mangyayari:

1/3 = 5/15 ……… 2/5 = 6/15

Step 3. Add or subtract the fractions and add or subtract the whole numbers.

Idagdag o Ibawas ang mga praksyon at pagkatapos ay idagdag naman o ibawas ang buong bilang.

Isulat natin ang bagong mga mixed numbers na nakuha natin sa Step 1 – 2.

4 1/3 è 4 5/15

3 2/5 è 3 6/15

Dahil magkapareho na ang ating mga denominator, pwede na tayong mag-ADD ng ating mga mixed numbers. I-ADD ang mga whole numbers at pagkatapos ay ang fractions.

Whole numbers: 4 + 3 = 7

Fractions: 5/15 + 6/15 = 11/15

Pagsamahin ang whole number at fraction. Ang ating magiging sagot ay:

7 11/15

 

Kung naging subraction ang ating operation, ganito ang mangyayari:

4 1/3 – 3 2/5 = ?

 Whole Numbers: 4 – 3 = 1

Fractions:  5/15 – 6/15 = -1/15

Kapag pinagsama, magiging 1 – 1/15. Bale pinagsusubtract uli tayo.

Dapat ay magkapareho ang kanilang denominator para maisagawa ang subtraction.

Ano ba ang katumbas ng 1 kung 15 ang denominator ito?

1 = N/15

Kapag nag-solve tayo;

N = 15, kaya 15 din ang NUMERATOR.

Ang ating magiging FINAL na sagot ay;

1 – 1/15 =  15/15 – 1/15 = 14/15

Kaya ang 4 1/3 – 3 2/5 = 4 5/15 -  3 6/15 =  14/15

Step 4. Write your answer in lowest terms.

Isulat ang iyong sagot sa kanyang pinakamaliit na katumbas.

Dahil ang ating sagot na  7 11/15 para sa addition at 14/15 ay hindi na maaari pang i-divide sa anumang numerong magpapaliit dito, ang ating mga sagot ay nasa lowest term na.

SANA AY MAUNAWAAN.

Kung may tanong, mag-post o magkomento.