Kahit magkapareho ang kahulugan ay magkaiba pa rin ang area
sa surface area. (Ang labo, pareho pero hindi). Ang ibig kong sabihin,
kadalasan ang area ay natutungkol lang sa mga figures na flat o yong
one-dimensional lang (tulad ng square,
rectangle, triangle, square, etc.)–
kadalasan ay length at width lang meron ito. Ang surface area ay
natutungkol sa mga geometric figures na 3 dimensional ( o 3D) tulad ng sphere,
cylinder, prism, blocks, cubes, etc.
Kapag one-dimensional, IISA lang ang mukha o face ng
kukuhanin nating area. Pero sa 3
dimensional, lahat ng faces ng figure ang kukunin natin kaya tinawag na surface
area – ang kabuuang lawak ng kanyang surface o mukhang nasa bukana.
Bago natin isulat ang pagkuha ng surface area ng isang
cylinder tulad ng nasa larawan, alamin muna natin ang prinsipyong nakapaloob
dito. Ano bang mga area ang kinukuha natin? Bale 3 piraso. Ipaghalimbawa natin
na lata ng LIGO ang isang cylinder, ang kukuhanin nating area o lawak ay
1) yong bilog na nakatakip sa LIGO
2) Yong puwitan ng LIGO (na ang sukat ay katulad din ng
itaas)
3) Yong pabalat ng LIGO pero ibabawas natin yong overlap,
basta yong saktong maglalapat lang ang magkabilang dulo.
Kung gayon ang kinukuha nating area ay 2 BILOG o circle at I
PARIHABA o RECTANGLE.
Ipaghalimbawa natin na ang diameter ng LIGO ay 3 inches at
ang taas nito ay 5 inches, what is its surface area?
Alam na natin na ang area ng circle ay pi times radius x
radius OR πr2 . Dapat ay tanda na natin ang formula
ng area ng circle… Tandaan lang ito PIE ARE SQUARE === pie = PI ; ARE = Radius
; SQUARE = SQUARED…. π r2
Dahil given na ang value ng PI na 3.14 ( for simple
calculation), radius na lang ang kailangan. Paano kukuhanin e wala naman sa given.
Makukuha ang radius sa pamamagitan ng diameter dahil ang diameter ay 2 beses ng
sukat ng radius. In symbol, d = 2 r. Dahil ang diameter natin ay 3 inches, ibi gsabihin
ang radius natin ay 1.5 ( 3/2 = 1.5).
Dahil kumpleto na ang mga value, mako-compute na natin ang
area ng circle.
A = π r2
A = (3.14) x (1.5) x (1.5)
A = 7.065 square
inches è
AREA ng TAKIP
Dahil ang puwitan ng LIGO ay pareho rin ang sukat ng takip,
ang area nito ay 7.065 square inches din.
Ang problema na lang natin ay yong PABALAT ng LIGO na hugis
rectangle.
Madali naman kunin ang area ng rectangle dahil length times
width lang iyon. Kung sa actual, madali talagang kunin dahil susukatin lang
natin yong tinanggal nating pabalat.
Kaso sa tunay na test, hindi naman ginagawa iyon. Pinatanggal
ko lang ang pabalat para malaman ninyo kung ano ang sinusukat natin.
Sabihin na hindi tinanggal ang pabalat, paano natin
masusukat iyon?
Alalahanin na ang perimeter ng circle ay siya ring circumference
nito. At ang haba (length) ng pabalat ay katumbas ng circumference ng circle o
ng takip o ng puwitan.
Nasusundan ba?
Dahil ang lapad ng rectangle o pabalat ay alam na nating 5
inches, yong circumference na lang ang kailangan nating kunin.
Ano ba ang circumference ng circle?
Simple lang, Circumference = diameter
times pi OR d x pi OR pi
x 2 x radius dahil ang diameter ay 2
radius.
Dahil given na ang diameter at
alam naman natin ang value ng pi, makukuha na natin ang circumference na siya
ring haba ng rectangle o pabalat ng ligo.
Diameter = 3 x 3.14 = 9.42 inches è length ng rectangle.
Heto na ang mga sukat natin ng
rectangle o pabalat:
Width = 5 inches
Length = 9.42 inches
Area ng pabalat o rectangle = 5 x
9.42 = 47.10 square inches
Dahil nakuha na natin ang 3 area
na kailangan natin, alam natin ang surface area ng ating cylinder na may
diameter na 3 inches at may taas na 5 inches.
Surface Area of cylinder = (Area
of top circle) + (Area of bottom circle) +( Circumference x height )(Pabalat )
Surface area = 7.065 + 7.065 +
47.10 = 61.23 square inches.
Ano ngayon ang formula ng surface
area base sa ating nakuhang mga sukat.
Surface area = π r2
+ π r2 + 2πrh
Surface area = 2(πr2) +
2πrh ..(where π is pie = 3.14 ; r= radius; h=height)
Para madaling matandaan:
Surface area of cylinder = 2 x (
area of circle) + (circumference x height)
Paano naman i-compute ang volume ng isang cylinder?
Simple lamang itong gawin, tandaan at unawain lamang ang pormula sa ibaba:
Sana ay naunawaan.
No comments:
Post a Comment